Chapter 7

19.1K 528 55
                                    

Chapter 7

"Umuwi ng maaga Rain ha, dapat before 5 ay nandito kana sa bahay" tumango ako kay Mommy at humalik sa pisngi n'ya.

Guess what pinayagan ako nila Mommy and Daddy na lumabas ngayon at syempre kasama ko ngayon si Annie. Kanina pang 8 am ay dumating na sa bahay si Annie. Nagulat nga si Mom na nandito si Annie, akala ni Mom may problema. Pinagpaalam ako ni Annie sa parents ko at mabuti nalang pumayag sila. Kakilala naman daw kasi si Annie and my parents trust her.

Ang saya nga ni Annie kanina nung naabutan n'ya pa ang Kuya ko, ang sabi pa ni Annie dream come true daw ang ma meet si Kuya in person. Ang sabi pa n'ya younger version daw si Kuya kay Daddy.

"No worries Tita, iuuwi ko po si Rain before ang curfew n'ya" saad ni Annie at nag thumbs up kay Mom.

"Sige mag ingat kayo sa pamamasyal n'yo" tumango kami ni Annie at sumakay na sa loob ng kotse.

Pagkapasok namin ay agad tumili si Annie.

"OMG I can't believe na lalabas ako ngayon kasama ka Rain" masayang ani n'ya.

"Ako nga rin e, buti nalang pinayagan ako nila" nakangiting usal ko.

"So may phone ka na ba?" napatango tango naman ako sa tanong n'ya at inabot sa kanya ang bagong bili na cellphone.

Actually pag ka uwi ko kahapon galing school sinabi ko kina Mommy na kung pwede na ba akong mag karoon ng phone. Well I didn't expect they would agree with me, sabi nila mabuti narin iyon para daw matawagan nila ako . Kaya agad nag utos si Daddy na bilhan ako ng cellphone.

"Save ko dito ang number ko sa phone mo, at gagawan kita ng social media" may himig na excitement sa boses n'ya, hinayaan ko lang s'ya sa ginagawa n'ya habang may kinukulikot sa phone ko.

Habang nasa daan papunta sa mall ay kwento lang ng kwento si Annie about sa mga social media ko daw, ang unang ginawa n'ya ay instagram tapos, facebook and twitter. Tinuruan n'ya rin ako kung paano gamitin ang nga app na iyon.

She even uploaded our picture kanina habang nasa bahay kami, I'm just wearing simple floral dress at pinarisan ng flat shoes, pero ang picture ay sa account n'ya i-upload at naka mention daw ako doon. With a caption "First Date".

"We're here" saad ko at tumanaw sa labas.

Binuksan ko ang kotse at lumabas, sumunod naman agad si Annie saakin. Kinawit n'ya ang braso saakin at sabay kaming nag lakad papasok.

"Unang gagawin natin ay bibili tayo ng mga dapit, let's go" at hinila n'ya na ako sa isang boutique.

Excited s'ya masyado. Hindi ko maiwasan na mamangha sa nakikita ko, after 12 years nakatapak ulit ako dito sa mall and mas maganda na ito ngayon. Akala ko hanggang nuod nalang ako sa TV but here I am.

"Good Morning ma'am may I help you" bungad agad saamin ng sales lady.

"Saan ang dresses n'yo" tanong ni Annie.

"This way ma'am" sumunod naman ako kay Annie at noong natanaw na namin ang dress section ay agad bumitaw saakin si Annie at namili ng damit. Napangiti naman ako dahil doon.

"Look at this Rain, tingin ko bagay sayo, try mo to dali" tinaas ni Annie ang isang black backless dress.

"I'm not sure it's kinda revealing" I said. Umiling naman si Annie saakin at inabot saakin ang dress at tinulak ako sa fitting room.

"No it's fine Rain bagay yan sayo trust me" wala akong nagawa at pumasok na, mabilis ko namang hinubad ang dress ko at sinuot ang dress.

Hapit na hapit ito saakin at kitang kita ang kurba ng katawan mo, three inches above the knee rin ito at talaga namang nakakailang sa likod dahil nga backless. Lumabas ako ng fitting room at pumunta sa direction ni Annie habang naka yuko dahil binababa ko ang dress. Bigla nalang kasing tataas e.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon