Chapter 1

36.6K 616 26
                                    

*Happy New Year everyone. New Year, New Story. Please have a great day*

Chapter 1

Napapikit ako ng tumama ang malamig na hangin sa mukha ko, how refreshing. Idinilat ko ang mata ko at napatanaw sa baba kung saan nakita kung pumasok ang isang kotse at bumaba doon si Daddy kasama si Mommy. Kagagaling lang nila sa business trip at for sure pagod sila. Tumingala si Mommy saakin at ngumiti kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya at tuluyan ng pumasok sa loob.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarinig ako ng katok at bumukas ito, napalingon ako doon at nakita ko si Mommy na naka ngiti saakin, lumapit naman ako sa kanya at niyakap ito, na miss ko silang dalawa ni Daddy four days kasi sila sa Spain hindi kasi ako sanay na wala sila rito sa bahay.

"Hindi halata na namiss mo ako ano" natatawang saad ni Mommy kaya napangiti rin ako, humiwalay ako sa yakap n'ya at tinignan s'ya.

"I miss you so much Mom both of you and Dad" I sincerely said, ngumiti ito saakin at hinaplos nito ang buhok ko.

"Kami rin anak, miss namin kayo ng Kuya mo pero itong Kuya mo subrang busy nako parang ang Daddy mo" mapailing iling naman ako sa sinabi ni Mommy, hindi pa ba s'ya nasanay sa dalawang yun, workaholic.

"You're so beautiful anak, the uniform suits you" puri ni Mommy saakin kaya napangiti ako.

"Thank you Mom saan pa ba ako nagmana edi sayo" humiwalay ako kay Mommy at umupo sa kama.

"So how's business trip?" I asked casually.

Sanay na ako ganito, kung mag usap kami ng parents ko at parang magkapatid lang kami, close kasi kami sa isa't isa especially Kuya.

"As expected nakabingwit na naman ang Daddy mo ng mga bagong investor" saad ni Mommy at naupo sa sofa na nasa loob ng kwarto ko.

"I'm not surprised anymore" I said and look at her. Tumayo ito at lumapit sa pintuan.

"Prepare now sweetheart, ihahatid kana namin sa University" agad naman akong napailing sa sinabi ni Mommy.

"No need Mom, alam kung pagod kayo kaya magpahinga nalang kayo" I said.

"No sweetheart ihahatid ka namin para na rin masiguro namin na safe ka okay" wala na akong nagawa at tumango nalang ka kanya.

"We will wait for you outside miss ka rin ng Daddy mo, I'll get going" tumango lang ulit ako kay Mommy at tuluyan na s'yang lumabas ng kwarto ko.

Tumayo ako at pinatitigan ang sarili sa full length mirror. I'm wearing the Hamilton University uniform. (Hamilton University Uniform at the multimedia). Baby pink skirt na four inches above the knee at pinarisan ng white long sleeves with checkered neck tie at pinatungan ng gray blazer. Bumagay rin ito sa kulay ng balat ko na namana ko kay Mommy ang kaputian.

Today is my first day in a physical University. After 12 years ay nakaka attend na ulit ako ng totoong school, I was homeschool since 6 years old ako kay noong pinayagan ako ng magulang ko na pumasok sa isang University ay subrang saya ko. Sa wakas ay makakalabas na ako ng mansion namin. Tutal ay nasa tamang idad na ako, hindi pa nga sila dapat papayag dahil dilikado daw, hindi ko raw alam kung paano mamuhay ang mga tao sa labas ng mansion at kung paano sila gumalaw.

I spend 12 years inside our facility, kahit pag labas lang ng gate ng bahay namin ay bawal. That's why I want to go outside and be more literate to everything. Wala akong kaalam alam sa mga gawain na nasa labas ng mansion dahil ang alam ko lang ang pag-aaral at ang mga bagay na nakikita ko sa TV.

Dinamput ko ang bag ko at lumabas na ng kwarto habang pababa ay bumabati saakin ang mga katulong na nakakasalubong ko kaya binabati ko rin sila pabalik. Nang makababa ay nabungaran ko si Daddy sa sala.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon