Chapter 30
"RAIN!" napaigtad ako ng isigaw ni Sammy ang pangalan ko.
Nang tumingin ako rito ay agad akong napasimangot, bakit ba s'ya nangugulat.
"Sammy naman e" maktol ko rito, inirapan naman ako nito at kinain ang burger n'ya.
"Lutang ka kasi Rain, kanina kapa namin tinatawag, gosh ano bang iniisip mo?" saad ni Annie na katabi ni Sammy.
It's break time at as usual nasa cafeteria kami sa usual spot namin, nasa harapan ko naman ang dalawa na kanina pa nag kwe-kwentuhan. Kung ano-anong topic like nabuntis daw si 'ano', bumagsak daw kompanya nila 'ano', nag rambulan daw sila 'ano'. Hindi naman ako maka sabay sa topic nila dahil hindi ko naman kilala iyang mga taong yan. Tapos minsan nag-uusap sila about sa mga erotic movies and stories.
Then I was like seriously, 'Sammy and Annie we're in public anyone might here you' pero dedma lang ang dalawa parang silang dalawa lang ang tao sa mundo.
Besides hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon, halos hindi nga ako makatulog ng maayos dahil sa kakaisip.
Why would Zaydon kiss me? Does he like me?
But, still I won't assume anything or I won't expect anything without confirmation. Too much expectation can lead you to too much pain.
"Wala naman, besides hindi ako nakakasabay sa topic n'yo" sagot ko kay Annie at kumain ng chocolate cake.
"By the way Rhearain Gaffner asan ka pumunta kahapon, nag announced na cancel ang classes at narinig ko sa mga chismosa nating schoolmate na hinila ka raw ni Zaydon?" nakataas kilay na saad ni Sammy saakin.
Napangiti naman ako ng maalala na pumunta kami sa tabing dagat kahapon.
"Siguro may nangyaring maganda kahapon ano?" tukso saakin ni Annie.
Napakamot naman ako ng ulo ko, sasabihin ko ba or hindi pero sige na nga.
"Dinala ako ni Zaydon sa tabing dagat, tapos nakita ko yung sunset alam mo naman Sammy kung gaano ko ka gusto ang pumunta sa tabing dagat" sagot ko.
Sabay naman silang tumango tango.
"Yan lang ba ang nangyari?" nakangising tanong ni Annie.
Napalunok naman ako at naramdaman mung uminit ang teynga ko. Nakakailang naman sabihin na nag kiss kami, tapos hindi ko alam kung ano ba kami ni Zaydon. Ito kaya yung sinasabi saakin ni Ate Samantha na walang label.
Sabi n'ya kasi pag ang babae at lalaki ay sweet sa isa't isa tapos they kiss pero hindi naman sila mag boyfriend-girlfriend ay walang label daw ang tawag sa kanila.
So wala kaming label ni Zaydon, ganun?
"O-Oo naman yun lang tapos umuwi na kami" halos mapatampal ako ng ulo dahil nautal ako.
"Sabi mo e" natatawang saad ni Annie.
"Yun naman talaga" depensa ko.
"HAHAHA chill ka lang Rainy, kung yun lang edi yun lang, napaghahalataan ka" saad ni Sammy at naiiling, hindi ko nalang sila pinansin at kumain nalang.
"Excuse me Ms. Gaffner" napaangat ang tingin ko ng may tumawag saakin.
Bumungad saakin iyong isang Professor namin sa minor subject.
"Yes Mrs. Jean" saad ko at ngumiti, isa s'ya sa mga favorite Professor ko, mabait kasi ito at approachable.
Buntis nga ito sa pangalawang anak n'ya.
"Pwede ba kitang mautusan sandali, ihatid mo lang itong tatlong folder sa principal's office, gutom na kasi itong si baby e, if okay lang?" tanong nito saakin at bahagyang hinimas ang umbok n'yang tyan.
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
Ficción General[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...