Chapter 35

10.4K 247 10
                                    

Chapter 35

The Day before Rhearain got kidnapped.

Sammy's POV

"Hi Dad good evening" Dad smiled at me and give me a hug.

"Good evening sweety, buti ay nakapunta ka ngayon Sam, importante lang kasi na kailangan nandito kayo" saad ni Dad at ginaya kami papasok sa loob ng bulwagan.

"Syempre naman Dad makakarating ako, pero pagkatapos nitong party ay kila Rain na ako didiritso, may chika kasi kami" saad ko at humagikhik pa.

"I'll come with you Sammy" napairap ako ng magsalita ang kapatid ko na nasa tabi ni Daddy.

It should be nandito rin si Mommy kaso ay nagkasakit ito kaya much better na mag stay nalang s'ya sa bahay. This party is not a casual party, maraming mabubuong business partners ngayon at syempre kailangan din namin humanap pa ng investors.

"Wag na, chismoso ka lang e" reklamo ko pero sinamaan lang ako nito ng tingin.

Bastos talaga ang isang to, Kuya ko ba talaga itong si Steve bakit parang ibang iba s'ya saamin ni Ate Sandra, siguro ampon to.

"Stop that, we're at the party so stop fighting and Steve I need you tommorow, next time ka nalang pumunta kila Rain" saad ni Daddy kaya napangisi ako.

Sumama naman ang mukha ni Steve ng marinig ang sinabi ni Daddy, siguro ay isasama na naman s'ya ni Daddy sa business trip nito at knowing Steve hindi n'ya type ang mga yun, gusto n'ya lang manatili sa apat na sulok ng opisina. Tamad kasi yan when it comes to business trip and business gathering like this, napilitan lang talaga yan.

"By the way, okay lang ba si Rain sa school n'yo?" tanong ni Daddy nang makaupo na kami sa assign table namin.

Maraming bumati saamin pero tinatanguan lang iyon ni Dad.

"Okay naman Dad, may mga b*tch nga lang" saad ko at naiiling.

"Watch your words young lady" saad ni Dad kaya napakamot ako ng ulo.

"Stay here for a while Sam, Steve let's go" saad ni Dad at sabay silang tumayo para lumapit doon sa ibang business man.

Napairap naman ako ng naiwan ako mag-isa, kung hindi lang ako kailangan ni Dad rito at tyak na nasa bahay na ako nila Rain ngayon at nag-uusap na kami sa love life n'ya.

Speaking of love life, ay bagay naman talaga silang dalawa ni Zaydon, maganda pinsan ko syempre, pang dyosa ang kagandagan at mabait pa na minsan kinaiinisan ko yun, ang bait kasi masyado kahit na ginagawan na s'ya ng masama mabait parin, pero I can't blame Rainy ganyan talaga s'ya simula palang bata. Then itong si Zaydon naman ay nuknukan ng kagwapohan pero ang sungit nga lang, mana s'ya sa tatay n'ya, ang sungit.

Still I'm happy for Zaydon, he knew how to smile now. Since elementary days masungit na talaga s'ya at introvert, mabuti nalang may mga kaibigang baliw plus dumating si Rain.

Napakunot ang nuo ko ng mag vibrate ang cellphone ko hudyat na may tumatawag. Nang tignan ko ang screen ay mas lalo akong nagtaka ng makita ang pangalan ni Zaydon sa caller ID.

"Yes hell---" natigil ako sa pagsasalita ng sumapaw ito.

Ano to bastusan lang.

"Where the hell are you Sammy?" matigas na tanong nito at halatang galit na galit ang boses.

"Ha? Baki---" hindi ko ulit natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit ito.

"Just f*cking answer my f*cking question, where the f*ck are you Sammy?" napairap ako sa sinabi n'ya.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon