Chapter 21

14.4K 346 13
                                        

Chapter 21

"Good Morning everyone" napaangat ang tingin namin ng marinig namin ang boses ni Mrs. Reyes.

Tumayo kaming lahat at yumuko sa kanya.

"Good Morning Prof." bati namin pabalik at nagsi-upo na.

"I would like to congratulate you all for the job well done, all of you got a high score on our first semester exam" nakangiting saad ni Mrs. Reyes at pumalakpak ito.

Narinig ko naman ang tilian ng mga kaklase ko sa narinig. It's been two days since that day happened, pinatawag pa ako ng Head nuong nakalabas na ako ng clinic para kausapin tungkol sa nangyari, at sinabi n'yang ipapatawag daw ang magulang ko para sabihin ang nangyari saakin pero agad akong umayaw doon. Sinabi ko lang na okay na ako at tama na rin ang punishment kila Oddete at hindi na kailangan ang mga magulang ko rito. Mabuti nalang at pumayag s'ya.

"So right now we will be talking about our field trip for tommorow" masayang saad ni Mrs. Reyes kaya naghiyawan ang mga kaklase ko.

" Yes finally field trip na"

"Ang swerte pa natin kasabay natin ang third year college"

"Sinabi mo pa, magiging masaya to"

Kanya kanya na silang usap-usap tungkol sa field trip, halatang excited silang lahat. Wala pala rito si Annie nasa office ng mga officer dahil pag-uusapan daw nila ang gaganaping field trip, at since halos member ng SSG ay first year and third year college.

"Quiet everyone" Mrs. Reyes.

"So dahil may field trip tayo kailangan ng parents consent, na send na namin sa parents n'yo ang consent at mag-iintay nalang kami until this afternoon ng reply nila about sa field trip na ito. Syempre pag hindi pumayag ang magulang hindi makalasama, kahit na nasa tamang idad na kayo at alam n'yo na ang mga bagay bagay, kailangan parin ng gabay ng magulang lalo nat ang kaligtasan ang pinag-uusapan natin, are we clear?"

"Yes Prof!" they said in chorus.

"So kung approved ang magulang n'yo, prepare all the things you needed for that field trip good for three days. So that's all for today, have a nice day everyone" saad ni Mrs. Reyes at lumabas na ito ng classroom.

Isa isa namang nagsitayo ang mga kaklase ko at kanya kanya ng usap about sa field trip. Malakas naman akong napabuntog hininga, kung na send na nila ang consent paniguradong nabasa na iyon nila Mom and Dad at paniguradong hindi sila papayag, at naiintindihan ko kung hindi sila papayag, besides para lang naman din saakin ang ginagawa nila.

"Rain?" napaangat ang tingin ko ng marinig ko ang boses ni Annie, naa may pintuan na ito at ngumiti s'ya saakin at naupo sa harap ko.

"Annie ikaw pala, kamusta ano pinag-uusapan n'yo?" tanong ko rito, napabuntog hininga naman ito at tumingin sa labas.

"Wala naman masyado, about lang sa field trip like kung anong oras aalis, ilang araw mag stay doon, kung saan ang location, sino ang mga kasama and etc." usal nito at tumingin saakin.

Tumango tango naman ako sa sinabi n'ya at nangunot ang nuo nito habang nakatingin saakin.

"What's wrong Rain?"

"Mukhang hindi ako makakasama sa field trip Annie, sayang" saad ko rito.

"Anong hindi, makakasama ka kaya" usal nito at ngumiti saakin.

"Hindi tay---" naputol ang sasabihin ko ng may sumigaw sa may pinto ng classroom.

"RAINY!" nanlaki ang mata ko ng makita ko si Sammy doon.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon