Chapter 24

12K 293 4
                                    

Chapter 24

Napangiti ako ng umihip ang sariwang simoy ng hangin, it's 5 pm malapit na ring mag dilim. This place is so peace, parang gusto ko nang tumira rito, I really like nature, at kung papipiliin ako kung saan titira city ba or province, walang pagdadalawang isip, province ang pipiliin ko. Malayo kasi sa pollution at walang mas'yadong tao.

Suminsim ako ng kapeng hawak ko at bumuntog hininga, napansin ko na kami lang ang nandito at nalaman ko lang kanina na talagang naka reserved itong Camp Survive for 3 days, marami daw talagang dumadayo rito, kaya marami rin ang mga staff, may taga linis, taga luto, observer etc.

Lumiko ako sa isang direction para pumunta sa area kung saan namin tinayo ang tent namin, share lang kami ng tent ni Annie at Sammy, wala din naman kasi akong dala lalo na si Annie, nakalimutan n'ya daw. Napakunot ang nuo ko ng makita kung binuksan ni Sammy ang isang tent na hindi amin.

"Psst? What are you doing?" mahinang saad ko at lumapit sa kanila.

Sabay silang lumingon saakin at napangisi.

"Doing the revenge thing" nakangising saad ni Sam.

"And please Rain don't you dare stop us, hindi naman tagos sa bituka ito" natatawang saad ni Annie at nag cross arm.

Napailing naman ako, akala ko nakalimutan na nila to.

"Sa tingin ko naman ayaw n'yo papigil, ano ba balak n'yo?" I asked, tinaas ni Sammy at hawak na box kaya nagtaka ako.

"Anong laman n'yan?" tanong ko at tinuro ang hawak nito.

"Ito? Well sabihin natin na favorite nila ang bagay na to" saad ni Sammy.

Lumapit ito saakin at binuksan ang box, nanlaki naman ang mata ko ng makita ang laman.

"Totoo ba yan?" gulat kong tanong, tumawa naman si Annie at tinapik ang balikat ko.

"Mukhang totoo pero laruan lang yan" saad ni Annie.

Isang box na ipis lang naman ang laman. Napatingin ako sa tent na binuksan nila kanina may naka lagay sa gilid ba Oddete. Tumalikod na saakin ang dalawa at pumasok sa loob ng tent, mas nagulat ako ng makitang nandon si Oddete kasama ang dalawang kaibigan nito, mahimbing silang matutulog at humihilik pa.

Nako baka ma huli sila.

Napakagat ako ng ibabang labi dahil sa kaba na baka magising nalang sila bigla. Dahan dahan na sinasaboy at pinaglalagay nila Annie at Sammy ang laruang ipis sa paligid ng tent, nilagyan rin nila ang katawan at mukha nila, as in ang dami talaga nun, kung titignan sa malayo ay parang totoo at nakakadiri s'yang tignan.

"All done" nakangiting saad ni Sammy at nag apir silang dalawa ni Annie.

"Halina kayo baka magisig na sila" saad ko at hinila na ang dalawa palayo.

Nakaupo kami ngayon dito sa loob ng tent habang naka bukas ang bukana, nasa kanya kanya ring tent ang ibang studyante. Napabalikwas kami ng makarinig ng malakas na sigawan kaya agad kaming lumabas ng tent, nakita ko ring nagsilabasan at nagsilapitan ang ibang studyante.

"Ahhhhhhhhhhhhhhhhh, ipis take it off!"

"Ew, ew, ew, ew help me take this away!"

"Can someone take this off, I'm going to die!"

Sigawan nila Oddete habang aligagang lumabas sa tent at nagpagpag ng damit kaming wala naman. Narinig ko naman ang tawanan ng ibang kaklase ko sa nangyari.

"Oddete ang arte naman laruan lang yan oh" saad ng isang studyante habang natatawa ito.

Natigil sila at tumingin doon, nakita kung namula ang teynga nito sa galit.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon