Chapter 29
"So kamusta ang event anak?" napaangat ang tingin ko ng mag tanong si Dad.
Ngumiti naman si Kuya na nasa tabi ko at tumingin saakin bago sumagot kay Daddy.
"Super okay Dad, after nga ng party ay marami na akong natanggap na appointments, kaya kahit linggo ay busy ako, maybe having Rain with me on that event help alot" saad ni Kuya na kinasimangot ko.
Kapatid ko ba talaga ang lalaking to?
Noong saturday ay marami akong nakilalang tao, may nakakasalamuha din akong sikat na mga tao sa larangan ng negosyo. May lumalapit saamin ni Kuya na ka business partner n'ya or kakilala tapos pag napapansin nila ang presensya ko ay magtatanong kung sino ako, tapos pag pinakilala na ako ni Kuya ay tatawagin nila ang anak nilang lalaki tapos sasabihin na kisyo single daw anak nila, single daw ako, tapos bagay daw kami, then pwede daw mag arrange marriage.
Like what!?
I'm not into arrange marriage. Hindi naman ako masyadong innosente pagdating sa arrange marriage, naririnig ko iyan kila Daddy. Iyon kasi ang status ng magulang ni Daddy at kahit nga s'ya ay arrange marriage sana pero hindi pumayag si Daddy dahil, may mahal s'yang iba at iyon ay si Mommy.
Kaya ako? Gusto ko magkaroon ng ganun balang araw, iyong papakasalan mo ang taong mahal mo, hindi yung nagpakasal ka dahil sa business.
Pagkatapos naming kumain ay agad na rin akong hinahid ni Mang Tacio sa university.
"Hi Ms. Beautiful!" ngumiti ako ng makita ko sila Angelo, kasama si Sammy at Annie.
"Hi good morning" bati ko.
"Sayang Rain hindi mo nakita ang game namin ang galing ko pa naman" saad ni Blaze at sinuklay pa nito ang buhok gamit ang kamay n'ya.
Tumingin naman sa kanya si Henry at binatukan ito.
"Ang assuming masyado nakatira lang ng 3" saad ni Henry kaya malakas na tumawa si Angelo.
"Akala mo naman kung sinong magaling pwe" saad ni Sammy at pabiro pang dumura. Tumingin naman sa kanya si Blaze at umirap rito.
"Congrats pala sa inyo guys" nakangiting saad ko.
"Thanks Rain" maikling saad ni Paul, habang nakayapos ang mga kamay nito sa beywang ni Annie.
"Pero alam mo sayang talaga hindi nakapag laro si Zaydon kahapon" saad ni Annie kaya tumingin ako sa kanya na naka kunot nuo.
Hindi naglaro si Zaydon kahapon? Bakit naman?
"Ha? Bakit naman?" tanong.
"Iniinta---" naputol ang sasabihin sana ni Angelo ng takpan ni Sammy ang bibig nito.
"Hindi daw kasi maganda ang pakiramdam n'ya" saad ni Sammy at siniko si Angelo.
Okay lang kaya s'ya ngayon? Nag text ako sa kanya, pero hindi s'ya nag reply saakin.
"Bakit kaya ang dami nito?" reklamo ko habang bitbit ang sampong libro.
Ang bigat pa nga nitong mga to. Inutusan kasi ako nung Professor ng Business Ad. na dalhin daw ito sa library. Papasok na sana ako sa loob ng library ng may biglang humila ng braso ko kaya ang ending ay nahulog lahat ng dala kong libro at napasubsub ang mukha ko sa isang matigas na dibdib.
Agad ko namang nakilala ang humila saakin ng masinghot ko ang pabango ito. Ewan kung pabango ba n'ya talaga ito or original scent basta ang alam ko ang bango n'ya.
"Why the hell are you carrying that damn books" inis na saad ni Zaydon kaya napalayo ako sa kanya at tumingin sa mga mata nito.
"Ah ano kasi nautusan lang ako" mahinang saad ko rito, nangunot naman ang nuo nito habang nakatitig saakin.
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
Fiksi Umum[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...