Chapter 3
Malakas akong napabuntog hininga at pumasok na kami sa cafeteria, pagpasok namin ay nagsilingunan ang mga studyante sa direction namin, may ibang nagbulong bulungan at may iba rin na naka tingin lang. Hindi ko nalang pinansin ang mga tingin nila at naupo kami ni Annie sa may gilid kung saan medyo malayo sa ibang studyante.
"Ako na ang mag o-order, anong gusto mo Rain?" tanong ni Annie.
"Vegetable salad at tubig nalang" I answered.
Napangiwi naman ito sa sinabi ko. Actually yun talaga ang kinakain ko, kumakain naman ako ng meat pero madalang lang. Dapat kasi ay masyustansya I'll ang kinakain namin yan palagi ang habilin ni Mommy. Vegetarian kasi si Mommy. While si Daddy ay mahilig kumain ng meat, chicken, fries etc., basta yung maraming carbohydrates kaya minsan napapagalitan s'ya ni Mommy.
May time nga na pumuslit si Daddy na bumili ng burger at binigay saakin, binili n'ya rin ako ng soft drinks kasi gusto ko talagang maka try ng ganyang pagkain. Naiinggit kasi ako sa mga napapanuod ko sa TV at kay Kuya. Kahit na bawal yun saamin, kumakain naman si Kuya ng ganyang pagkain dahil nakakalabas s'ya, unlike me hindi pwedeng lumabas.
"Vegetarian girl, well nevermind ako na ang bahalang mag order ng pagkain natin kaya relax kalang jan" magsasalita pa sana ako kaso ay agad na itong umalis.
Nilapag ko ang bag ko sa isa pang upuan at tinignan lang si Annie habang namimili ito ng pagkain pero naputol ang tingin ko kay Annie ng biglang tumahimik ang buong cafeteria, napalingon ako sa nga studyante, may ibang natigil sa ere ang kamay nila habang may hawak na kutsara at nakatingin sa entrance ng cafeteria kaya out of curiosity ay napatingin din ako doon.
Pumasok ang limang lalaki na animoy rumarampa, napatitig pa ako sa kanila dahil hindi mo talaga mapagkalaila na gwapo sila, pasok na pasok na sila para maging actor. Pero nadako ang tingin ko sa lalaking nasahilihan, nakabukas ang dalawang butunes ng uniform nito habang nasa bulsa ang mga kamay nito. Napalunok naman ako dahil sa kinakabahan na naman ako sa hindi malamang dahilan.
S'ya yung may abong buhok sa orientation kanina, at napansin ko rin ang katabi n'ya yung Paul, president ng SSG, siguro ay mga kaibigan nila ang tatlo pa nilang kasama. Kumpara sa dalawa ay mukhang jolly ang tatlo dahil nakangiti ito habang kumakaway sa mga babaeng bumabati sa kanila, si Paul kasi ay seryoso lang pero hindi katulad ng may abong buhok, subrang seryoso nito at hindi mo mababakas ang emosyon sa mukha nito.
Napapansin ko rin na may mga babaeng tumitili at ang iba ay kinukuhanan sila ng litrato palang artista lang, or baka artista talaga sila pero hindi ko naman sila nakikita sa TV. Umupo ang mga ito sa gitnang bahagi ng cafeteria at may lumapit na lalaki sa kanila parang waiter lang. May waiter naman pala dito bakit kailangan pumili ni Annie at ibang studyante para kumuha ng pagkain?
Nagulat ako ng biglang lumingon sa direction ko yung may abong buhok kaya agaran akong napaiwas ng tingin at tinuon nalang ang atensyon ko kay Annie habang papalapit saakin. Nilapag nito ang tray sa mesa at naupo sa harap ko.
"Charan sarap nito" nakangiting saad n'ya at isa isang nilapag sa mesa ang pagkain at tinabi ang tray. Napatingin ako sa mga pagkain na nasa mesa, niisa nito ay walang gulay. Napatingin ako sa kay Annie.
"Walang gulay?" tanong ko rito, umiling iling naman ito saakin.
"Alam kung Vegetarian ka Rain pero alam mo kailangan mo rin ng cheat day, sige ka pag hindi ka nakakain ng mga ganitong pagkain na miss mo ang isang chapter ng buhay mo" saad nito at nagsimula nang kumain ng fries.
Oo nga naman, minsan lang naman ako makakain ng ganito and besides wala naman si Mommy dito para bantayan ako. Napangiti naman ako ng palihim sa naisip ko sasalungatin ko na naman ang utos n'ya dahil dito. Hindi na ako nagsalita at kumuha na ng isang slice ng pizza. This is my first time natikman to, hindi pa kasi ako nabibilhan ni Daddy ng ganito.

BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
Fiction générale[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...