Chapter 33
"Bye Rainy Rain punta ako sa bahay n'yo bukas, chika mo saakin ang love story n'yo ni Zaydon, pag hindi lagot ka saakin" napailing nalang ako sa sinabi ni Sammy.
"Oo na, para matapos nato" natatawang saad ko rito.
Kumaway ako sa kanya bago ito pumasok sa loob ng kotse, umandar na ito paalis hanggang sa hindi ko na matanaw ang kotse nila Sammy. Dapat kasi ay sabay kaming uuwi ngayon, doon dapat s'ya matutulog sa bahay dahil kailangan ko daw e kwento sa kanya ang love story daw kuno namin ni Zaydon. Pero sa kasamaang palad ay tumawag ang Daddy ni Sammy at sinabing may pupuntahan daw silang party at kailangan kasama s'ya. Kaya ayon walang nagawa si Sammy para sumama at nasabi ko bang medyo chismoso rin itong si Steve, interesado rin kasi marinig ang kwento ko.
Napalinga linga ako sa buong parking lot ng hindi ko nadatnan si Mang Tacio. Bakit kaya wala pa s'ya? It's 5:20 in the afternoon kaya nakakapagtaka na wala pa si Mang Tacio rito, usually kasi ay dumadating s'ya. 4:00 pm, natatapos kasi ang klase ko around 4:15 or 4:30.
Malakas akong napabuntog hininga at naupo sa isang tabi, baka may dinaanan lang si Mang Tacio kundi naman ay nasiraan lang ng kotse. Nakahawak ako sa dibdib ko ng makaramdam ng kaba. Naiiling nalang ako at pilit pinapakalma ang sarili.
Everything will be fine Rain don't worry.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at pabalik pabik sa pag lalakad. Pakunti na ng pakunti ang mga studyante rito at medyo dumidilim na rin, it's 6 pm pero wala parin si Mang Tacio. Ang kaninang kaba ay mas nadagdagan pa. Imposible na talagang ma late si Mang Tacio ng ganito ka tagal. May curfew nga ako e dapat 6 palang ay naka uwi na ako.
Tumigil ako sa kakalakad at kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinawagan sila Mommy, napakunot ang nuo ko ng ma called ended ito agad, pero agad akong napatampal sa nuo ko ng maalala kong wala pala sila Mommy at Daddy ngayon sa bansa, nasa Spain ang mga ito at may mahalagang aasikasuhin, tatawagan ko na rin sana si Kuya ng maalala na nasa isang malayong probinsya ito at kasalukuyang nag bibigay ng charity kasama si Ate Samantha kaya paniguradong walang signal doon.
Malakas akong napabuntog hininga at napasabunot sa sariling buhok. Sana pala ay pumayag nalang akong ihatid ni Zaydon. Nag offer kasi itong ihahatid ako pauwi pero tumanggi ako, baka kasi mag-alala si Mang Tacio pag hindi n'ya ako naabutan rito baka pagalitan s'ya ni Daddy.
Wala akong nagawa at naisipan ko nalang lumabas ng gate at doon intayin si Mang Tacio, baka may nangyari lang talaga kahit imposible nang mangyari. Mahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko habang papalabas ako ng gate, tahimik na ang paligid at halos wala na akong makitang studyante sa paligid.
Nang makalabas na ako ay napalinga linga ako sa paligid at napakunot ang nuo ko ng makita ko ang isang pamilyar na itim na kotse sa isang tabi, kung saan hindi masyadong mapapansin ng mga dumadaan.
Pero nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang nakaupo sa isang malamig na kalsaha habang umaagos ang dugo sa ulo nito.
"Mang Tacio!" naisigaw ko nalang at agad lumapit rito.
Naiiyak akong napahawak rito, wala itong malay at may mga pasa sa mukha, ng mahawakan ko ang palapulsuan nito ay nakahinga ako ng maluwag ng buhay pa si Mang Tacio.
"Mang Tacio, Mang Tacio....gumising po kayo" saad ko at niyugyug ang balikat ni Mang Tacio pero hindi ito nagising.
Napatayo ako at kabadong kabado na kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang isang taong alam kung makakatulong saakin. Dalawang ring palang ay agad n'ya nang sinagot ang tawag.
"Hello, sweetheart, miss me" birong saad ni Zaydon pero wala akong panahon para rito.
"Z-Zaydon" nautal ako ng banggitin ko ang pangalan n'ya.
"What is it sweetheart? Are you okay? Why does you sounds crying, where are you?" sunod sunod n'yang tanong saakin.
"Sweetheart please speak where are you? Are you okay, da*n I'm so worried here, sweetheart answer me" saad n'ya ulit.
Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng maramdamang may makatingin dito sa direction, parang may nagbabantay saakin at nag-iintay lang ng tyempo para lapitan ako.
"Z-Zaydon please help me---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may biglang may nagtakip ng isang panyo sa ilong ko.
Nagpumiglas ako sa hawak n'ya pero isang suntok sa sigmura ang natanggap ko rito, dahil doon ay namilipit ako sa sakit at nahihilo na rin ako sa klase ng amoy na nasa panyo.
"Sweetheart, what's happening? Are you okay da*n it, Rhearain answer me, f*ck, f*ck f*ck it" huling narinig ko bago ako nanghina at nilamon ng dilim.
Naalimpungatan ng may maramdamang malamig na naka kabit sa dalawang paa ko at sa kamay ko. Dahan dahan kung inimulat ang mata ko at bumungad saakin ang isang madilim na silid, walang ilaw na nakakabit rito, ang tanging liwanag rito ay ang sinag ng buwan galing sa maliit na bintana.
Nanlaki ang mata ko nga realize kung saan ako ngayon. Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-iinit na ang sulok ng mata ko. Hihingi na sana ako ng tulong kay Zaydon kanina ng may biglang nagtakip ng ilong ko at may sumuntok saakin.
Oh God please help me.
Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko pero bigo ako dahil sa isang mabigat na bagay na naka kabit saakin, halos mapaiyak ako ng makita ko ang isang kadenang naka kabit sa dalawang paa ko at pati na rin sa kamay ko, gusot at madumi na rin ang suot kung uniform.
Halos manlumo ako ng wala akong magagawa kahit na magpumiglas ako. Bakit!? Bakit to nangyayari saakin at sino ang gagawa nito? As far as I remember I don't have dept to other people or what if this is another kidnapping tapos may ransom ulit.
Tuluyan nang nagsibagsakan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. For the second time around I was being chained in a dark and cold room being hopeless.
Why does people always do this to me? Do I deserved this? Am I not allowed to live normally. Am I not allowed to be happy?
Please help me out here! I don't want to stay in a dark room!
Napatigil ako sa pag-iyak nang bumukas ang pinto. Napakunot ang nuo ko ng isa isang nagsipasukan ang mga lalaking hindi ko kilala. Kahit hindi ko maaninag ang mukha nila ay alam kung mga lalaki sila dahil sa klase ng pigura nila. Napaatras ako at sumiksik sa isang gilid dahil sa takot.
Sino sila? Bakit nila ako dinala rito?
Ang akala ko ay lalaki silang lahat ng may pumasok na dalawang babae, napalunok ako ng maramdaman ang pamilyar na presinsya.
Tumigil ang dalawa na may kalayuan saakin pero hindi ko parin kita ang mukha nila.
"So the princess is awake" napasinghap ako ng marinig ko ang boses ng babaeng nasa unahan.
S'ya? S'ya ang may gawa? I know she's evil but I didn't exact she can do this to me? I didn't do anything to her! Pero bakit iniisip ko parin na kaboses n'ya lang.
"Oh she's crying, what a pity" hindi ko man makita ang mukha n'ya ay alam kong nakangisi ito saakin.
"Cry baby nga kasi tsk" saad ng isang babae na nasa likuran n'ya.
Humugot ako ng malalim na hininga at binuka ang bibig.
"Why?" mahinang saad ko.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito hanggang sa lumakas ng lumakas na parang s'yang kontrabida sa isang pelikula.
"Why? You're making me laugh Rain" saad nito at humawak pa sa tyan na na parang tawang tawa sa sinabi ko.
Hindi ako sumagot at tinignan lang sila. Tumigil ito sa pag tawa at tumayo ng maayos.
"It's simple Rain, you stole everything from me"
Nanlumo ako ng umabanti ito at nasinagan ng buwan ang mukha nito, nakangisi ito sa akin pero matatalim na tingin ang binibigay saakin.
Akala ko ka boses n'ya lang, s'ya pala talaga, its Oddete, it is her.
Innocent Obsession
***
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
General Fiction[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...