Chapter 27
"Rain, una na ako" napaangat ang tingin ko sa isang kaklase ko nang magpaalam ito. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
"Sige ingat ka" saad ko, sinauli n'ya sa book shelf and libro at kumaway saakin at tuluyan nang lumabas ng library.
Napatingin ako sa relo ko ng makitang 3 pm na ay tumayo na ako sa sinauli ang libro, pupunta pa ako sa gym, iyon ang bilin saakin ng dalawa, manunuod daw kami ng last practice nila Zaydon. Bukas na kasi ang laro nila, dito lang naman ang venue, court ng Hamilton University ang gagamitin dahil di hamak na malaki ang court dito kaysa sa ibang university.
Nagpaalam ako sa librarian at naglakad na papunta sa gym, itutulak ko na sana ang pinto ng gym ng tumunog ang cellphone ko hudyat na may message. Pumunta muna ako sa tabi at kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Pero napakunot ang nuo ko ng makitang hindi registered and number.
Cafe Shop at Mangga Street. ASAP.
---Oddete💀.
Napangiwi ako ng makita ko ang pangalan ni Oddete sa huling parte ng message may emoji pang bongo ng tao sa gilid ng pangalan n'ya. Ano meaning nito?
Na pag hindi ako pumunta, maaagnas s'ya? Charot lang.
Dahil sa pinanganak akong maraming curiosity sa katawan ay pupunta ako. Tumalikod ako sa gym at naglakad palabas ng school. Ti-next ko nalang si Sammy na may emergency.
Nangmakalabas na ako ng school ay lumiko ako para pumunta sa bus station. Napahigpit naman ang hawak ko sa bag ko ng maalala ko ang nangyari saakin dito noon, iyong time na niligtas ako ni Zaydon. Umiling nalang ako at inalis ang masasamang alaala. Nakikisabay nalang ako sa paglalakad ng ibang tao.
Nangmakarating ako doon ay sakto ding may humintong bus na titigil sa Mangga Street bus station.
Ano kaya kailangan ni Oddete? Sana naman matino ang pag-iisip n'ya ngayon at wala s'yang masamang gagawin.
Nangmakarating na ako ay malakas akong napabuntog hininga at tinulak ang pinto ng Cafe. Napalinga linga ako sa paligid para hanapin s'ya at tumigil ang mata ko sa isang babaeng nasa may dulo at may hawak itong brown envelope. Wala na akong sinayang na oras, lumapit agad ako sa kanya at naupo sa harap nito, nag-angat ito ng tingin saakin at ngumiti.
Ngiting peke.
"What do you want Oddete?" agad kong tanong rito at ngumisi ito saakin, ngising halatang walang tamang gagawin.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa Rain, I want you to stay away from Zaydon" saad nito kaya tumaas ang kilay ko.
She what?
"Why would I" saad ko.
Sumama naman ang mukha nito at sinamaan ako ng tingin, iyon lang ba ang sasabihin n'ya? Pinapunta pa ako rito sa isang bagay na hindi importante. Halos mapatampal ako sa sarili. Ewan ko ba napapansin ko talaga sa sarili mo these past few days na nagiging maldita ako minsan, hindi ko naman gawain to noon pero ngayon ewan ko nalang.
"Alam kong sasabihin mo yan kaya let's make a deal" saad nito na kinakunot ng nuo ko.
Binuksan nito ang brown envelope at nilabas ang isang parihabang papel at ballpen.
"Now name your price Rain and I'll pay you in exchange of that you have to stay away from Zaydon" saad nito na mas kinataas ng kilay ko. Ngumisi ito saakin na parang sure s'yang kakagat ako sa deal n'ya.
What a cliche, I watch so many dramas and movies about this, iyong babayaran ka para lumayo.
Well sorry mayaman na kami, hindi ko na kailangan ang pera ng iba, hindi ko na kailangan ang pera n'ya.

BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
General Fiction[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...