Happy 6k reads. Thank you sa nagbasa❤️
Chapter 26
"Okay attention everyone, stop talking there and pay attention!" nabaling ang attention naming lahat sa isang Professor ng malakas itong sumigaw.
"For today's activity is that sa loob ng gubat na iyan, ay may mga red flag na kailangan n'yong kunin with the minimum of 3, kung sino man ang unang naka balik rito na kompleto ang flag ay nakaka received ng price" saad ng Professor.
Sumigla naman bigla ang paligid dahil sa sinabi ng Prof. halatang excited sila sa gagawing activity. Ano kaya ang price nito?
"At higit sa lahat ang activity na ito ay hindi by pair, hindi by group kundi individual, kaya matututo kayong maging independent, magsikap kayo habang walang iniintay na tulong sa iba" saad ulit ng Prof.
Nakarinig naman ako ng pagmamaktol ang pag bagsak ng balikat nila, marahil ay gusto nila ang by partner or grouping's. Aaminin ko medyo mahirap nga ang individual. Lahat kasi saamin dito ay nasanay na may kasama at may katulong.
"Okay everyone step on the starting line!" sigaw ng Prof kaya agad kaming tumalima.
"Mag-iingat ka Rain ha, wala kami doon para samahan ka" napalingon ako kay Annie ng sabihan n'ya iyon, ngumiti ako rito at tumango.
"Mag-iingat ka talaga Rain, masama talaga pakiramdam ko e, lalo nat galing dyan sa loob ng gubat sila Oddete kagabi" dagdag ni Sammy habang seryoso ang boses nito.
"Don't worry guys mag-iingat ako, kayo din" saad mo at tumango naman sila.
Nagsimula ng bumilang ang Professor namin at pinatunog ang whistle n'ya hudyat na papasok na kami sa gubat, isa isa namang nagsitakbuhan papasok ang mga studyante. Kung maka takbo parang may zombie lang, kundi naman parang Maze runner lang ang dating.
Bago ako makipagsabayan sa ibang studyante ay nakita ko sa gilid si Oddete na naka ngisi saakin, kaya medyo kinabahan ako. Bakit feeling ko rin may hindi magandang mangyayari ngayon or I'm just paranoid. Napahinto ako sa pagtakbo ng makarating na ako sa loob ng gubat, luminga linga ako sa paligid para humanap ng flag.
Napangiti ako ng makita ko itong nakasabit sa isang maliit na sanga, agad ko itong tinakbo at tinalon para makuha. Nang nasa kamay ko na ito ay nilagay ko ito sa likuran ko at tinabon ang suot kung t-shirt. Napalinga linga ako sa paligid ng walang ibang studyante akong nakita. Hindi ko pa naman kabisado ang lugar, napalayo ba ako masyado?
Maglalakad na sana ulit ako paalis ng may maapakan akong sanga, narinig ko ang pag crick nito kaya, yumuko ako para makita ito. Hindi ito isang simpleng sanga lang, parang sanga ng kahoy na pinakinis.
"Ahhhhhhhhhhhh" malakas akong napasigaw ng may lumabas sa ilalim ng mga tuyong dahon na isang malaking net at napasok ako roon at umangat ito sa isang puno.
Halos takasan ako ng dugo dahil sa nangyari, hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ito. Isa itong patibong! Pero bakit may patibong rito. Napadungaw ako sa ibaba at napalunok ako ng makita kung gaano kataas ang kinalalagyan ko. Pag sa oras na mahulog ako rito ay tyak na mababalian ako ng buto kung di naman ay tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay ay tiyak na dadanak ang dugo.
Oh God please save me.
"Tulong, tulong parang awa n'yo na!" I shout from the top of my lungs.
Sana may dadaan rito, please save me.
I'm not afraid of heights but I'm afraid of dying.
"May tao ba dyan tulonga----" napatigil ako sa pagsigaw ng makarinig ako ng pamilyar na boses.
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
General Fiction[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...