Chapter 20

15.6K 357 17
                                        

Chapter 20

"Please study hard and prepare yourselves for our first semester exam, see you around students" ngumiti ang Professor namin at umalis na ng silid.

Isa isa namang nagsi-ayos ng mga gamit ang mga kaklase ko at isa isa na silang lumabas. Monday pa lang ay ito ang bumungad saamin, well expected naman na na examination na for first semester kaya lahat ng studyante dito sa Hamilton University ay busy.

"Grabe parang kailan lang nagsimula ang klase tapos isang pikit mata bang bang exam na" saad ni Annie at nag act pa ito as if may sumabog sa utak n'ya kaya natawa ako.

Tumayo na rin ako at kinuha na ang bag ko at sabay kaming lumabas ng classroom papunta sa cafeteria.

"Masyado mo kasing na enjoy ang bawat araw na lumipas kaya hindi mo namalayan ang pagtakbo ng oras" usal ko kay Annie at kinawit ang kamay ko sa braso n'ya, kumunot naman ang nuo nito at tinignan ako.

"Ganun ba yun?" tanong n'ya kaya tumango ako.

"Sabi nila pagmasaya ka mabilis tumakbo ang oras, hindi mo namamalayan ang pagtakbo nito dahil ang nasa isip mo ay ang kasiyahan na nadarama ko, kung napapansin mo pag nahihirapan ka napapatanong ka bakit ang tagal ng oras, sana ma wala na itong sakit, pero hindi iyon ganun masaya ka man o malungkot pariha lang ang takbo ng oras, iyon nga pang kung malungkot ka, gusto mo lang itong takasan at pabilisin ang oras para hindi mo na maramdaman ang sakit" mahabang litanya ko at ngumiti sa kanya.

"Woah! I didn't know you're full of words of wisdom Rain" manghang saad nito kaya natawa ako.

Nangmaka pasok na kami sa loob ng cafeteria ay sabay na kaming nag-order at naghanap ng mauupuan.

"Pero alam mo Rain gusto kong mag exam na tayo agad" nakangiting saad nito kaya napakunot ang nuo ko, kanina lang nagulat ito dahil exam na pero ngayon gusto na n'yang mag exam agad kami.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Pagkatapos kasi ng exam ay field trip na natin kaya excited na ako" saad nito.

Field trip? Alam ko yun, noon kasing kinder pa ako na try ko na ang field trip, matalas talaga ang alaala ko kaya pati field trip noong kinder ako ay naaalala ko pa. Napangiti naman ako sa isipang magkakaroon kami ng field trip, sa pagkaka alala ko ay masaya ang field trip dahil may mga activities.

"Talaga?" saad ko at tumango naman ito at nilapag ang tubig na inimon n'ya sa mesa.

"Last year kasi ay second year at fourth year ang may field trip, ngayon ay first year at third year na kaya nakaka excite lalo pat kasama na kita" masayang saad nito kaya napangiti ako pero agad rin itong nawala ng maalala ko sila Mommy.

Baka hindi nila ako payagan.

"Bakit?" nag-aalalang tanong n'ya.

"Baka hindi ako payagan nila Mommy about sa field trip" saad ko at kinagat ang burger ko.

"Don't worry ako ang magpapaalam sayo, tapos safe naman tayo kasi may mga professor na sasama at may mga hired bodyguard, ganun kasi dito kailangan safety first mga tagapagmana kasi ang nag-aaral dito sa Hamilton University, mayayaman lahat" saad ni Annie at tinapik tapik ang balikat ko kaya napangiti ako.

Sana nga payagan ako.

"Ay comfort room lang ako sandali Annie" paalam ko rito at tumayo, tumango naman ito saakin kaya naglakad na ako papalabas ng cafeteria pero bago pa ako nakalabas sa cafeteria ay nakita ko ang pag ngisi nila Oddete at sabay sabay silang tumayo.

Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad para pumunta sa CR. Nang makarating ako doon ay agad akong pumasok sa isang cubicle and do the thing.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon