Chapter 4
"Bakit ang tagal mo" nakasimangot na saad ni Annie saakin.
Ngumiti naman ako sa kanya at naupo na sa harap n'ya at nilapag ang bag ko sa isa pang upuan.
"Hindi mo ba agad nahanap ang libro?" tamong nito at inabot saakin at kutsara at tinidor kaya tinanggap ko naman ito.
"Hindi naman, agad ko rin nahanap iyun nga lang nasa taas kaya hindi ko maabot" pag-aamin ko ng totoo sa kanya. Nakita kung kumunot ang nuo nito at tumingin saakin.
"What do you mean? Nasa pinakataas na shelf ang book?" tanong nito kaya tumango ako sa kanya. Umiling iling naman ito at napakamot ng pisngi, sa itsura n'ya ay takang taka ito.
"Bakit?" tanong ko. Umayos naman ito ng upo at tumingin saakin.
"Nakakapagtaka as far as I remember hindi yan nilalagay sa taas na bahagi kasi makapal kasi s'ya at mabigat, kaya bakit nasa taas?" takang tanong parin nito.
"Baka nagkataon lang" saad ko. Tumango tango naman ito saakin.
"Oo nga, 'no? So let's eat binilhan na kita ng gulay mo o" at tinuro n'ya ang vegetable salad na nasa isang maliit ng bowl.
Sa araw araw na kumakain ako rito sa school ay halos nasanay na ako sa pagkain dito, dahil na rin iyon kay Annie, kahit anong binibili n'ya at pinapatikim saakin at ang pinakagusto ko talaga is yung chocolate. Grabe ang sarap, hindi s'ya masyadong matamis at medyo mapait rin ito. I didn't knew na may mga ganitong pagkain.
Noong unang araw ko dito sa school at marami ang kinain kong pizza, fries, burger at naka tatlong can ng sprite din ako noon, kinagabihan ay subrang sakit ng t'yan ko. Pabalik balik ako sa comfort room dahil ang sakit talaga ng t'yan ko tapos sumuka pa ako nun. Pero ang pangyayaring yun ay hindi alam nila Mommy hindi ko sinabi sa kanila dahil baka magalit sila ng subra at hindi na ako papasukin.
Ang sabi ni Annie baka naninibago lang daw ang t'yan ko dahil hindi ako sanay sa mga ganong pagkain. Kaya kinabukasan ay kumain ulit ako nun and then until now hindi na sumakit ang t'yan ko at hindi na ako sumuka, baka nanibago lang talaga ako.
Susubo na sana ako ng marinig ko ang sigawan at tilian ng mga babae rito sa loob ng cafeteria kaya napalingon ako sa tinitignan nila, pati na rin si Annie napalingon. Pumasok sa entrance ng cafeteria ang isang gwapong lalaki, nakangiti ito habang kumikindat sa mga babaeng narito sa loob ng cafeteria.
Napakunot pa ang nuo ko dahil sa ginagawa n'ya, may problema ba s'ya sa mata kaya kumikindat ito? Wierd, and wait isa s'ya sa mga palaging kasama nung may abong buhok. Actually lima silang palaging magkasama, at napapansin ko rin dahil sa tingin ko ay sikat talaga sila.
Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy na sa pagkain pero nahagilap pa ng mata ko ang pagsulyap n'ya saamin ni Annie.
"Pasikat talaga" rinig kung bulong ni Annie.
Hinawakan ko ulit ang kutsara at susubo na sana ng may nagsalita sa gilid ng mesa namin. Ohhh please let me eat gutom na gutom na ako.
"Hi Ms." napabuntog hininga ako at nilapag ulit ang kutsara sa plano ko.
Nag angat ako ng tingin at nakita ko yung lalaking kakapasok lang ng cafeteria. Nakatingin ito saakin habang naka ngiti.
"Yes? Do you need something?" tanong ko. Lumawak naman ang ngiti nito at nilagay sa bulsa ang mga kamay nito.
"You steal something from me" he said.
What? I didn't steal anything. I'm not a theft or is he accusing me.
"Well excuse me Mister but I didn't steal anything from you" direktang saad ko sa kanya. Hindi parin maalis ang ngiti nito sa labi.
"Yes you did, you just steal my heart" saad nito at hinawakan ang dibdib. Nagulat ako ng biglang napaubo si Annie kaya agad ko s'yang binigyan ng tubig.
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
Ficção Geral[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...