Chapter 32

11.9K 264 10
                                        

Chapter 32

Napatayo ako ng kama ng may narinig na kalukos sa labas. Agad akong nagtungo sa veranda at hinawi ang kurtina doon at sumalubong saakin ang kadiliman. Actually hindi naman masyadong madilim dahil maraming ilaw sa labas, pero bakit parang hindi ako kumportable sa klase ng atmosphere ngayon kahit pa kahapon.

Napakunot ang nuo ko ng may nakita akong ilaw ng kotse na dahan dahan dumaan sa harap ng gate namin. Kahit na malayo ang gate sa mismong bahay namin ay kitang kita ko dito dahil nasa pangalawang palapag ako.

May kotse pang dumadaan ngayon? Alas dos palang ng madaling araw, imposible namang kapitbahay namin iyon at tyaka mahigpit ang security dito sa subdivision namin, ala una palang ay bawal nang pumasok sa loob ng subdivision, parang may curfew lang.

Napahawak ako sa dibdib ko ng nakaramdam ako ng kaba. Malakas akong napabuntog hininga at sinara ang kurtina at bumalik na sa kama.

I hope nothing bad will happen.

"Good morning Rain" ngumiti ako kay Sammy ng salabungin ako ito pagpasok sa gate ng school.

"Good morning rin" saad ko, kinawit nito ang kamay n'ya sa braso ko at nagsimula na kaming maglakad papasok.

"Saan ka nanggaling kahapon Rain? Ikaw ha napapadalas na kayong lumabas ni Zaydon" tukso nito saakin at bahagya pang kinurot ang beywang ko.

"What do you mean?" patay malisya kong tanong.

"Sus what do you mean daw, akala mo hindi ko kayo nakita kahapon sa parking lot, aysus magka holding hands pa" saad nito at umirap saakin.

Naramdaman ko naman ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi n'ya, so nakita n'ya kami? Well natural Rain sinabi n'ya nakita kayo magtatanong kapa?

"Ah yun, gumala lang kami, niyaya n'ya kasi akong mag arcade" which is true naman.

"Weh? Arcade lang?" nakataas ang kilay nito habang nakatingin saakin.

Natatawang umiiling ako kay Sammy para s'yang pulis kung makapag imbestiga.

"Oo nga" sagot ko.

Nagkibit balikat nalang ito at nag kwento nalang ng kung ano-ano pero most of the time ay kwento ng ibang tao ang sinasabi n'ya, chismosa kasi itong si Sammy lalo na si Annie, maganda nga silang ipagsama ang daming alam na chismis. Ito si ako tango lang ng tango kahit na hindi ko kilala ang mga taong binabanggit n'ya.

"Bye Rainy see you sa cafeteria mamaya" paalam ni Sammy saakin at tinanguan ko lang at agad naman itong naglakad paalis para pumasok na sa building nila.

Nang makarating ako sa classroom ay papasok na sana ako ng napalingon lingon ako sa paligid, bakit parang may nakatingin sa bawat kilos ko. Kung noong unang pasok ko rito sa Hamilton University ay nararamdaman mo rin iyon pero iba ang ngayon parang may dalang masamang pangyayari. Hindi ko gutso ang ambiance ng paligid.

Napailing naman ako at pumasok na sa loob, baka guni-guni ko lang iyon. Imposible namang may nagbabantay ng kilos mo diba?

Habang iniintay dumating si Annie ay nakarinig ako ng malakas na tilian galing sa labas, yung tiling parang kinikilig. Hindi ko na sana iyon papansinin ng nanlaki ang mata ko ng pumasok si Zaydon sa classroom namin na may dalang bouquet of flowers, red and white roses sa kanang kamay habang ang kaliwa naman ay may hawak na paper bag.

What the?

Nangdumako ang tingin nito saakin ay agad na bumalandira ang matamis na ngiti nito na mas kinalakas ng tilian ng mga studyante sa paligid, marami na ring tao sa labas ng classroom at nakikisilip sa nangyayari rito sa loob.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon