Chapter 34

9.8K 228 23
                                    

Chapter 34

Napamulat ako ng mata ng may tumamang tubig sa mukha ko.

"Hoy gumising ka na d'yan" rinig kong saad ng isang babae.

Nang maka adjust na ang mata ko sa liwanag na nagmumula sa maliit na bintana ay nakita ko sa harap si Chloe, isa sa mga kaibigan ni Oddete, isa rin ito, inis na inis saakin kahit wala naman akong ginagawa sa kanya.

"Ito kumain kana, pasalamat ka binibigyan ka pa ng pagkain, but it's a good thing by the way para may energy ka sa exercise mamaya" saad nito at malakas na tumawa.

Napatingin naman ako sa sahig ng sinipa nito ang isang tray na naglalaman ng pagkain, pero halos masuka ako ng makita ko ang pagkaing sinasabi n'ya, para itong suka ng aso, nakakadiri.

Ito ba ang sinasabi n'yang mag pasalamat ako dahil binibigyan nila ako ng pagkain? Mas mabuti nalang wala kaysa kumain ako n'yan baka malason pa ako.

"Kumain kana!" sigaw nito kaya napaigtad ako, tinignan ko lang ito at hindi gumalaw.

I won't eat that. Better starved my self than eating that food or food ba talaga parang suka yan.

"Sabing kumain na e!" sigaw nito ulit pero hindi ako natinag at tinignan lang s'ya.

Inis na inis itong lumapit saakin at hinila ang buhok ko, napahiyaw ako dahil sa sakit ng paghila nito sa buhok ko, pinilit kong hindi tumulo ang mga luha ko sa mata ko.

"Piste ka talaga babae ka!" sigaw nito sa mukha ko at kumuha ng pagkain sa tray at pilit pinapakain saakin pero hindi ko binuka ang bibig ko.

"Kumain kana!" sigaw n'ya ulit, hinila hila nito at buhok ko pero hindi ko parin binuka ang bibig ko.

Ang sakit sakit na nang anit ko at mahapdi na ito dahil sa paghila saakin, pero nagmatigas talaga ako at hindi binuka ang bibig.

"Piste!" mura nito at malakas na sinampal ang mukha ko kaya napabaling ako sa kaliwa at tumama ang ulo ko sa semento.

Napakagat ako ng ibabang labi para pigilan ang mga hikbi ko, narinig kong malakas n'yang sinipa ang tray at tumama ito sa pader, napasiksik ako sa sulok ng dinuraan ako nito.

Such a disrespectful woman!

Pagkasara ng pinto ay doon na nag-uunahang umalpas ang luha ko, ramdam na ramdam ko ang hapdi ng anit ko sa paghinala nito kanina.

As much as possible I need to act like a strong woman. Pero everytime na iniisip ko ang dahilan ay napapaluha nalang ako. I didn't stole anything from Oddete. It's not my fault that Zaydon doesn't love her.

Makakaligpas pa kaya ako rito? I hope so, I really hope so, I have lot's of dreams in life and I want to full fill it all.

"What are you doing!?" I shouted.

May dalawang lalaking nagsipasukan dito sa loob ng kwarto kong nasaan ako, may mga ngisi ang mukha nito at halata sa mukha nila na wala silang gagawing tama. Napaatras ako ng nagsimula silang lumapit saakin, sumiksik ako sa gilid ng pader at niyakap ko ang mga tuhod ko.

"Ang kinis mo naman Miss" saad ng isa na parang sampong buwan na binilad sa araw dahil sa sunburn sa mukha.

Napahigpit ang pagkakakuyom ng kamao ko ng dinagsa ako ng kaba, nanginginig din ang mga kamay at naglalamig pa ito dahil sa kaba.

Please Lord don't let anyone hurt me, please, please. Can someone save me from this hell.

"Masarap ka siguro Miss, patikim naman d'yan" saad pa ng isa na mukhang kapre.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon