Chapter 16

15.2K 403 16
                                    

Chapter 16

"Rain let's go let's go" excited na usal ni Annie at hinila ako kaya napatakbo na rin ako.

Excited talaga s'ya mas'yado, katatapos lang namin kumain ng lunch at ngayon atat na atat na s'yang pumunta sa gym, because at exact 1:20 pm ay magsisimula na ang basketball game.

"Relax lang Annie, makakarating din tayo doon" natatawang saad ko kaya napahinto kami sa pagtakbo at naglakad nalang.

"E kasi namin, gusto ko nang makita yung asawa ko" saad ni Annie at napatili pa ito.

"Makikita din natin ang asawa mo pag nakarating na tayo doon" usal ko.

"Harang sa daan" napadaing ng ako ng may bumangga sa balikat ko at lumagpas ito saakin.

It's Oddete and friends again.

"Ang laki ng daan, babangga pa talaga, mas'yado kang KSP!" sigaw ni Annie kaya agad kong hinawakan ang kamay nito para hindi na sila patulan.

Humarap ito saamin at umirap at nagpatuloy na ito sa paglalakad, pakimbot kimbot pa ito habang nag-lalakad.

"Hoy flat yang pwet mo!" nanlaki ang mata ko sa sinigaw ni Annie at malakas na tumawa pa itong tumawa.

"F*ck you freak!" sigaw ni Oddete habang inis na inis itong naglakad ulit papasok sa gym.

"Tignan mo nga Rain s'ya pa ang galit honest lang ako" natatawang saad ni Annie kaya napailing ako.

"Just don't mind them Annie" usal ko at hinila na s'ya papasok sa gym.

Bumungad saamin ang maingay na studyante na kanya kanya ng sigawan at pag cheer kahit hindi pa naman talaga nagsisimula ang laro. Dahil kami ang naka assign as assistant ng players ay nasa ground lang kami naupo ni Annie, napapatingin naman saamin ang mga babae dito saloob at nagbubulong bulungan.

"Sana tayo nalang yung may punishment"

"Kainggit naman sila, sana all nalang tayo nito"

Napailing nalang ako sa mga sinasabi ng ibang babae, like seriously gusto nila ng punishment? Ang wierd nila.

Dahil anim kaming nakipag-away kahapon ay nahati kami sa dalawa, yung tatlong kasama ko sa volleyball ay nasa team ng engineering department at kami naman ni Annie at ang isa ko pang kasama sa volleyball ay nasa team ng business ad. Yun ang sabi saamin ni Paul kanina bago ang laro.

Halos mapatakip ako ng teynga ng biglang nagsigawan ang mga studyante dito sa loob ng gym ng lumabas ang mga players sa kabilang dulo ng gym na ito. Nauunang naglakad si Angelo na panay ang kaway sa mga babae at sa tuwing ginawa na iyon ay para namang nahihimatay sila.

E?

Kasunod nito si Blaze na naka akbay kay Henry at sa likuran nila ay si Paul katabi nito si Zaydon, nagulat pa ako ng makitang nakatingin ito saakin.

"Oh gosh Rain mahihimatay ako sa subrang hot ng asawa ko help me" usal ni Annie kaya naalis ang tingin ko kay Zaydon at napatingin sa kanya.

"Grabe ka naman mahihimatay talaga" natatawang saad ko.

Inis naman ako nitong nilingon at hinampas sa balikat.

"Ang kj nito, bakit ang hot naman talaga nila, pati na rin si Zaydon" usal n'ya.

"Yeah" sagot ko, gulat naman itong tumitig saakin.

"Did you just agreed with me?" tanong nito kaya tumango ako.

I don't really know what's the meaning of them being hot but I think it means they attractive in simple way. I guess that's the meaning, so yeah their hot.

Innocent ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon