Epilogue
Oprah Winfrey said, if you look at what you have in life, you'll always have more. If you look at what you don't have in life, you'll never have enough.
Having my love ones beside me is more than enough. They are my everything and I can't afford to lose them.
"Mang ingat ka don ha baka sakmalin ka ng bruha---I mean ng babaeng yun" natawa ako sa sinabi ni Sammy at napailing iling.
"Hindi yun, kasama ko naman si Jace" usal ko at ngumiti sa kanilang dalawa.
"Alam mo mas mabuti na yung ready kaysa naman hindi mo namalayan kalbo ka na pala" napasimangot ako sa sinabi ni Annie.
"Hindi nga e" maktol ko.
Tumawa naman silang dalawa saakin at isa isa nila akong niyakap.
"Oo na sige na, kita nalang tayo bukas" tumango tango ako kay Annie at inayos na nito ang bag n'ya at niligpit lahat ng gamit.
"Dapat maaga ha, nako bakit kasi ang ganda natin at tayo pa ang napili sa cheer dance na yan" sunod sunod akong napailing sa kahanginan ni Sammy.
"Sige nalang pagbigyan na, tutal birthday mo na sa makalawa" saad ko kay Sammy kaya natawa si Annie.
"Bwesit, ikaw Rain ha gumaganyan ka na" may halong inis sa boses nito pero hindi ko na pinansin.
"Bye ingat sa pag-uwi" huling saad ko at kumaway sa kanila.
Kumaway rin ang dalawa at nag flying kiss pa.
Tumalikod na ako at naglakad na palabas ng school, kung saan nag-iintay si Jace. I smiled upon remembering what happened 2 years ago.
Akala ko katapusan ko na noong araw na iyon, akala ko hindi ko na makikita ulit sila Mommy. But I was wrong. Akala ko ay ako ang babarilin ni Oddete but it turns out na iyong lalaki pala sa likuran ko which is yung nasa labas ng kotse.
Iyong lalaking iyon ay isa sa mga tauhan nila Oddete na sinisanti nila, matagal na palang sinusundan si Oddete ng lalaking iyon dahil may masamang hangarin. Actually Oddete save my life. May hawak kasi itong lighter at kung itinapon n'ya ang lighter sa amin ay tiyak na sumabog na ang sasakyan.
Si Clarissa naman ay naging okay na, nahuli ng mga pulis ang nasa loob ng puting van.
Before Oddete lost her consciousness that time...she said it.
She said sorry.
"Nandito na tayo" dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko namalayan na naka rating na kami sa pupuntahan namin.
"Thank you Jace ha, intayin mo nalang ako rito" saad ko kay Jace, ngumiti naman ito at tumango.
Actually si Zaydon dapat ang kasama ko ngayon para bisitahin s'ya ang kaso ay may emergency sa kompanya nila, nagkaproblema daw ang isang branch ng business nila sa cebu kaya hindi s'ya nakasama. Ever since Zaydon graduated, he immediately manage their company and help he's father. Iyong mga kaibigan n'ya naman ay hindi parin nagbabago pero naging busy na rin sila sa kanya kanya nilang career.
Paul and Annie relationship is getting stronger, ang clingy nga ng dalawang yun. Si Sammy naman at Henry ay away bati ang, ang maldita kasi ni Sammy. While me and Zaydon remain the same. Noon ngang grumadute siya ay pinipilit n'ya na akong magpakasal na raw kami kasi gusto n'ya na daw akong matali sa kanya baka kasi raw may umagaw pa.
Ang akala ko ay normal boyfriend lang itong si Zaydon hindi pala. Napaka possessive, clingy and of course sweet which is I love naman.
"Good morning ma'am how may I help you?" tanong ng nurse ng makalapit ako sa front desk.
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
Narrativa generale[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...