Chapter 37
"Hindi ka makakatakas Rain! Habulin n'yo ang babaeng yun!"
I never imagine my life became this dangerous, at first I just want to be free, I just want to have a normal life. I just want to experience the life behind the walls of our facilities. Then I made it, I attend a real university, I meet such wonderful people, I meet Zaydon, but I never imagine my life running so fast just to escape danger.
Agad akong napadaing ng madapa ako dahil sa malaking ugat ng kahoy. Pagkalabas ko ng lugar na iyon ay agad na bumungad saakin ang madilim na kagubatan. Halos maiyak ako ng makitang nag dugo ang paa ko, wala akong suot na sapatos o kahit tsinilas man lang. Malamig rin ang simoy ng hangin na tumatagos talaga sa balat ko dahil sa punit punit kong uniform.
"RAIN!" nagulat ako ng biglang sumigaw si Oddete hindi kalayuan saakin.
Dahil sa malakas n'yang sigaw ay narinig kong nagsiliparan ang mga ibon na nandito sa gubat. Kahit na nanghihina ay pilit parin akong tumayo, napakapit pa ako sa punong kahoy dahil sa matutumba ako dahil sa kahinaan.
Kahit pa ika-ika ay pinilit kung tumakbo para makalayo sa kanya.
Asan na kayo Daddy? I need you here!
"Rain! Na bwe-bwesit na ako sayo, inuubos mo pasinsya ko" napatakip ako ng bibig ng marinig ang boses ni Oddete.
Imbis na tumakbo pa ay agad akong lumiko at nagtago doon sa isang malaking puno habang nasa bibig ang dalawang kamay ko, para hindi makagawa ng ingay.
"Piste! Rain!" napapikit ako dahil sa takot.
"Playing hide and seek ha?" saad nito at tumawa.
Nakirinig ako ng pagkasa ng baril at pinaputok n'ya ito kung saan, napatakip ako ng teynga dahil sa takot.
Marunong s'yang gumamit ng baril? I never thought about that, ito ba ang epekto ng walang pagkalinga ng isang magulang, iyong walang panahon ang magulang sa anak nila dahil busy ito sa pagpapayaman?
May parte saakin na naawa sa sitwasyon ni Oddete, naiintindihan ko s'ya, gusto n'yang makahanap ng isang tao na mag mamahal sa kanya, dahil kahit ang sariling magulang n'ya ay hindi iyon kayang gawin. Kaya kay Zaydon n'ya ito hahanapin pero nabigo s'ya, hindi s'ya magawang mahalin ni Zaydon katulad ng gusto n'ya.
Pero kahit na ganun, mali parin ang gawain n'ya, hindi tamang e damay n'ya ako sa problema n'ya sa buhay, wala akong ginawa sa kanya, wala akong kasalanan. Hindi ko kasalanan na ako ang minahal ni Zaydon at hindi s'ya. Si Zaydon ang may gusto nun pero bakit saakin n'ya binubuhos lahat ng galit n'ya? Bakit!?
"Ahhhhhhhhhh"
Dahil sa malalim na pag-iisip ay hindi ko nalamalayan ang paglapit ni Oddete saakin, marahas nitong hinila ang buhok ko at kinaladkad ako.
"Pinahirapan mo pa ako bwesit ka!" mura nito at malakas akong sinampal kaya napadapa ako sa lupa.
Naramdaman ko agad ang likidong dumaloy sa gilid ng labi ko. Agad akong nagpumiglas ng maramdamang may humawak sa dalawang braso ko.
"E posas yan" utos ni Oddete sa mga tauhan nito.
Nilabas ng isang ungas na lalaki ang posas at agad nilagay sa mga kamay ko, napadaing pa ako dahil sa marahas na paghila ng lalaki sa braso ko papunta sa likuran ko halos mabali ang kamay ko sa ginawa n'ya.
"Alam mo Rain pinapahirapan mo lang ang sarili mo" usal ni Oddete at hinawakan ang mukha ko.
"I wonder sinong tumulong sayo para makalabas?" matalim ang tingin nito habang nakatingin saakin.
BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
Tiểu Thuyết Chung[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...