Chapter 11
"Take care bunso, wag papaapi sa iba okay" napatango naman ako sa habilin ni Kuya saakin.
Kanina kasi ay nag suggest s'ya na kung pwede s'ya nalang daw ang maghatid saakin kaya syempre pumayag na ako, palagi kasi itong busy si Kuya minsan ko lang mahagilap.
"Kung maka palala ka boss parang grade 1 ang kinakausap mo, s'yempre palaban iyang si Rain" kumento naman ni Ate Selene, ang secretary ni Kuya Ranner.
Tumingin naman saglit si Kuya kay Ate Selene at pinanliitan ito ng mata at balik agad sa daan ang tingin, napatawa naman ako sa ginawa ni Kuya. Ganyan talaga si Kuya, med'yo pikon kasi itong si Kuya at si Ate Selene ang hilig mang asar. Minsan nga pag nasa bahay yan sila nahuhuli ko silang nagsasagutan, hindi naman magawang sisantihin ni Kuya si Ate dahil magaling ito sa trabaho at talaga namang mapagkakatiwalaan.
Well aside from that may iba pa yatang dahilan at yun ang hindi ko alam.
Nang makarating na kami sa harap ng university at agad na akong bumaba at nagpaalam na sa kanila. Habang naglalakad sa corridor ay napansin kung nag mamadali ang mga studyante sa pagpasok sa kanya kanya nilang classroom. Nagtatakbuhan sila at kung minsan ay nagkakabanggaan.
Anong meron bakit balisa yata ang iba sa kanila ngayon ngayon? Halos first year department ang nagmamadali.
Napaatras ako ng may bumangga saakin, agad nahulog ang mga libro nitong dala kaya agad ko itong tinulungan. Napatingin naman ako sa babaeng naka salamin at inabot sa kanya ang libro, nagmamadali rin ito at balisa parang may humahabol sa kanya.
"Are you okay?" natanong ko sa kanya, nang-angat ito ng tingin saakin at nagulat ito ng makita ako.
"Ms. G-Gaffner" gulat n'yang saad.
Kilala n'ya ako?
"Okay ka lang ba?" pag uulit ko nang tanong kanina. Inayos nito ang librong dala ay inayos rin ang suot na salamin.
"O-Oo salamat"
"Ano bang meron bakit parang balisa kayo?" tanong ko, nakita kung nagulat ito sa naging tanong ko at bahagya pang nanginig ang kamay nito.
"Hindi n'yo po ba alam bumalik na po si Oddet--" hindi na n'ya natapos ang sasabihin ng may humila sa kanya, paalis.
"Nand'yan na daw siya"
"Nand'yan na sila, halika na ayaw kong maabutan n'ya ako"
Sabi pa ng isang babae at naiwan naman akong nagtataka. Hindi ko nalang iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa classroom. Pagpasok ko ay nakita ko doon si Annie naka upo ito sa upuan at nakakunot ang nuo habang naka tingin sa cellphone n'ya.
"Good Morning Rain" bati ng mga kaklase ko saakin.
Naging routine ko na ito, binabati nila ako or kami ni Annie pag dumadating kami. Ngumiti ako sa kanila at binati rin sila pabalik. Pumunta na ako sa upuan ko at hindi pa ako napansin ni Annie dahil busy ito sa phone n'ya.
"Hi Annie good morning" bati ko rito, nagulat naman ito sa pagbati ko at agad sumimangot saakin.
"Ginulat mo ako Rain, pero good morning din" natawa naman ako dahil naka simangot ito saakin. Umupo na ako sa pwesto ko at sumilip sa cellphone n'ya.
"Ano tinitignan mo Annie?" tanong ko.
"Ito? Well balita kasi bumalik na ang mga bruha" at napairap pa si Annie matapos sabihin iyon.
Mga bruha? Sino yun?
"Ha?"
"Ang mga bruha ng Hamilton University ay bumalik na, napansin mo ba yung mga studyante na balisa at nagmamadaling pumasok sa kanilang classroom?" tanong nito at nilapit saakin ang upuan n'ya.

BINABASA MO ANG
Innocent Obsession
Fiksi Umum[COMPLETED] Rhearain is innocent woman, she doesn't know much about the things related outside their house. She's homeschooled since elementary days to high school. When she came at right age at 18 years old, she decided to go to a prestigious Unive...