Chapter 18

22.8K 877 61
                                    

Embrace

Sa mga sumunod na araw ay naging abala ako sa paghahanda para sa nalalapit kong eighteenth birthday. Ayaw ko man, iyon ang gusto ni Tita. Hindi ko rin magawang makatanggi sa tono ng pagsabi niyang magdedebut ako. Sinabi niya lang iyon without asking for my opinion. Yes or yes. Walang pilian. Hindi raw siya makakapayag na hindi ako magdedebut dahil anak na rin daw ang turing niya sa akin. Bukod pa roon, kinausap niya na rin sina Nanay at Tatay na wala ring nagawa kun'di ang sumang-ayon.

Aaminin kong inaasam ko rin magkaroon ng debut. Isang beses lamang iyon mangyayari at napaka-espesyal para sa mga babae. Pero ayos rin naman sa akin ang isang simpleng handaan kasama ang buo kong pamilya at malalapit na kaibigan.

Engrande ang gaganaping party. Tita invited all of her social friends. Ako naman ay mga kaklase at schoomates na kilala. Iyon ang inaabangan ng lahat ngayon. Hindi na ako nakapagreklamo dahil sanay na ako sa pagiging sosyal ni Tita sa lahat ng bagay. Ayaw ko na ring isipin ang perang gagastahin nila para lamang sa isang araw na kaarawan.

Sa pagpaplano pa lang, na-ooverwhelmed na ako ng sobra sobra. I don't know what to say. Hindi ko na alam kung paano ko pasasalamatan ang mga Ladesma. Dati pa lang, alam ko ng napakalaki ng utang na loob namin kina Tita Kristina at Tito Oliver. Mula sa pagkupkop sa akin, sa pagpapaaral at sa lahat ng mga kabutihang ginawa nila para sa aming pamilya. Halos hindi na iba ang turing nila sa amin. Pamilya. That's what they were always saying. Pamilya kami. Pamilya ang turing nila sa amin.

Kaya naman ang guluhin pa ang anak nilang si Koen, hindi ko na kayang gawin. Tama lang na iwasan ko siya. From the very start, I shouldn't come close to him.

Koen:
     Where are you?

Mariin kong pinikit ang mga mata ko habang paulit-ulit na binabasa ang mensahe niya. My heary skipped a beat. Kaninang umaga niya pa ito tinext pero hanggang ngayong hapon na ay hindi ko pa rin nirereplyan.

Buong akala ko ay maiiwasan ko siya sa pagiging busy pero nagkamali ako. He is always with me. Lagi ko siyang kasama dahil kapag wala si Tita, siya ang nag-aasikaso ng debut ko. Wait, kahit pala nariyan si Tita e nariyan din siya! But he's silent. Hindi siya kumikibo. Kung nagsasalita man, patungkol sa party. Aside from that, hindi na siya nagsasalita. Hindi na siya nagtatanong pa. Nagpapasalamat na rin ako sa ganoon kahit nakapagtataka.

"Ayos ka lang?" Alas asked, worried was written all over his face.

Bumuntong-hininga ako at umiling bago ngumiti.

"Ayos lang!"

Alas doesn't look satistfied with my answer. He's keen eyes looked at me like I'm some liar who he knows.

"Ilang araw nalang ay debut mo na pero parang wala ka naman sa sarili. Hindi ko alam kung dahil ba sa excited ka o ano," he said.

Natawa ako ng bahagya pero hindi sumagot. Tinuon ko ang atensyon ko sa pagbrows sa internet. Ngayon lang ako nakapagpahinga ng ganito sa buong linggo.

"Alam kong may problema ka..."

"Wala," I automatically answered without even looking at him.

"Lagi kong sinasabi sa'yo ang mga kamalasang nangyayari sa akin, Petianna. Halos lahat sinasabi ko. Pero ikaw, hindi ka nagsasabi ng mga problema mo. Alam mo, konti na lang, magtatampo na ako."

Tumigil ako sa pagbrows at nilingon siya. He was smirking. But I know, he was serious.

"Aantayin ko na lang na magkusa ka sa pagkukuwento," aniya.

Hindi na ako nakaimik. I feel guilty pero hindi ko naman mapilit ang sarilo kong magkuwento lalo pa't alam kong maiiyak lang ako.

Kasama si Alas sa eighteenth roses, si Muhiro rin at maging si Koen. Kaya naman sa practice ay ganoon na lamang ang taranta ko. Kapag si Koen na ang kasayaw ko ay natatapak-tapakan ko ang kanyang paa. At sa tuwing mag-aangat siya ng tingin sa akin ay namumutla ako. I feel like he's thinking that I am doing it on purpose which I don't! I am not good in dancing but definitely not this bad!

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon