Chapter 20

25K 914 83
                                    

Pay

Tuyo na ang mga luha ko nang makarating ako sa hotel. Hindi ko alam kung kailan ako natigil sa pag-iyak pero nagpapasalamat na rin ako doon.

I shouldn't regret what I did. That's the best decision for my young heart.

Kahit ulit-ulitin, itutulak ko siya palayo. I don't deserve all the lies he gave. He's no good to me.

Bumukas ang pinto ng aking kuwarto at ibinungad si Alas bago ko pa man kunin ang room card ko. Nakita ko ang relief sa mata niya nang makita ako. But it turned to be worried and confused when he realized the look of my face.

"A-Anong nangyari?"

Tinabig ko siya para makapasok sa loob. Sinundan niya ako at sinara ng mabagal ang pinto na parang nananantya.

"Masyadong maraming pinag-usapan sa meeting kaya natagalan ako. I thought you will be here already. Hindi ko naisip na magtatagal ka pa roon. Papunta na sana ako..."

Hindi ako sumagot at nagtuloy lang papunta sa banyo. I slammed the door pero naririnig ko pa din siya. Hindi ko nga lang maintindihan dahil sa pagbukas ko ng faucet.

I feel so sticky after crying kaya naghilamos  ako at nagpunas ng mukha. Nagbihis rin ako ng kumportableng damit. Pagkatapos ay lumabas ako at dumiretso sa tukador. Nakatayo pa rin sa dating pwesto si Alas. Sinusundan niya ako ng tingin. He look like a cat who did something wrong.

"Nakita ko kayong magkasama ni Koen sa dalampasigan kaya hindi na ako lumapit.."

Tumango lang ako. I started combing my hair while looking at his reflection on the mirror. Hindi siya mapirmi sa kinatatayuan at halatang nagtataka sa akin. He even stared at me for a while.

"May.. Nangyari ba? N-Namumula yung mata mo.. Umiyak ka ba?"

"Hindi. Walang nangyari.. Napuling lang ako," sagot ko.

Tumahimik siya at tila nakikiramdam pa sa akin. I know he knew I was lying. Kilala niya ako kaya naman mas pinili niyang hindi umangal. My eyes are swollen, obviously screaming that I cried.

"K-Kung gusto mo, bukas na tayo umalis?"

I nodded. Iyon naman na talaga ang gusto ko, nagguguilty lang ako dahil nasisira ang outing naming dalawa ni Alas.

Alas sighed.

"Sige.. Pahinga ka muna. I'll call you for dinner. Magbobook na ako ng flight pauwi," aniya bago lumabas ng kuwarto.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama at lumabas sa veranda upang luamnghap ng sariwang hangin. The cold wind blew the white curtains, making me take a peek of the white beach near the hotel. Madilim na sa labas pero kitang-kita ko pa rin ang malakas na hampas ng alon sa dalampasigan.

Tiningala ko ang makulimlim na langit. The moon was bigger and brighter tonight. Tamang tama lamang sa tahimik na gabi.

Funny to think, after Koen left, I started to hate the moon. Lagi akong nagigising ng madaling araw noon at lumalabas sa balkonahe para magpahangin but I always ended up thinking of Koen. Imbes na antukin ay mas nabubuhay ang aking diwa. Sa kabila ng galit ko, nagagawa ko pa rin siyang isipin. And I hate it. I hate it so much. I hate him even more because of it.

Naisip ko tuloy kung bakit ko hinayaan ang sarili kong mapalapit kay Koen noon. I shouldn't diverted my attention to him just because of boredom. I should have just stayed inside my room. Hinayaan kong umikot ang mundo ko sa kanya and I know I shouldn't regret being with him but I can't help it. Saan ba ako dinala sa kasiyahang natamo ko?

Nakarinig ako ng pagbukas ng glassdoor mula sa kabilang veranda. Nang lingunin ko ito ay gusto kong magsisi. Naka-sweater si Koen na kulay grey at busy makipag-usap sa telepono. His eyes were locked in the view making him not to notice me.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon