Chapter 24

24.3K 862 140
                                    

Didn't

"Mamimiss ko rito!" sabi ni Aileen.

Gaya ng plano nila, isang araw pagkatapos ng pasko sila aalis. Hindi na talaga sila magpapigil. Kaya naman maaga pa lamang gising na kami at ngayon ay nandito na sa garahe. Konti lang naman ang bagahe nila nang dumating sila rito pero ngayong paalis na ay ang dami na nilang dala.

Napatingin ako kay Josch na karga-karga ni Muhiro. Tulog pa ito at nakapajama pa. Halatang hindi na ginising dahil baka umatungal lang sa pag-iyak dahil aalis na sila.

Thinking of them leaving already feels like something's going to be missing. Maybe the loud laughs in the mansiyon. Maingay ang mansiyon ng dalawang araw dahil sa mag-asawang ito at kay Josch. Ngayong aalis na sila, siguradong tatahimik na naman. Sa totoo lang, gusto ko silang pigilan. Ayaw ko ng isipin na wala na akong magiging kausap sa gagawin kong pananatili rito. Bukod kay Tita, wala na akong gustong kausapin. But I know Tita would be very busy over something, for sure.

Sparkle flashed into Aileen's eyes as she looked at me. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nagulat ako kaya naman matagal bago ko siya nayakap pabalik.

"Sana makapagbonding pa tayo ng mas matagal next time! Iyong walang lalaki!" bulong niya sa akin sabay hagikhik.

Natawa ako nang makawala sa kanya at napailing-iling. Mangyayari kaya iyon? Eh sa titig pa lang sa kanya ng asawa niya, mukhang imposible na. Parang ayaw yata ni Muhiro na mawala sa paningin niya si Aileen.

"Makakadalawa na kami ni Muhiro pero ikaw, Koen, wala pa!" aniya.

She's pregnant again? Wow.

Bumaba ang tingin ko sa tiyan ni Aileen at nakitang may kaonting umbok na nga roon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko napansin. Pero bahagya akong naexcite. I hope it will be a baby girl.

Masungit na umirap lang si Koen.

Muhiro chuckled. "Dapat bilis-bilisan mo ang kilos. Suyuin mo na. Ang away, hindi iyan pinapatagal."

"Magpropose ka na lang kaya agad? Malay mo, magbati kayo dahil doon! Sorpresahin mo!" si Aileen.

Napangiwi ako at umiwas ng tingin. I felt weird. Inabala ko ang sarili sa pagtanaw sa malayo habang inaasar at pinagsasabihan ng dalawa si Koen.

If I could just switch my ears and eyes off right now, I would. I don't wanna see Koen smiling like a jerk while the two is teasing him. I felt like something's stabbing my chest and it makes me so irritated. Parang asong nakangisi si Koen sa paningin ko ngayon at naiirita ako lalo.

Kung puwede lang sabihing pangit siya kahit hindi naman talaga, ginawa ko na!

"Dapat pagbalik namin dito, bati na kayo!" si Muhiro na hindi ko alam kung bakit sumulyap pa sa akin.

"I said stop it! Kuya!"

I couldn't help but to roll my eyes. Bakit pakiramdam ko, kami ang sinasabihan niya kahit hindi naman? Guni-guni mo lang 'yan, Petianna.

Minutes had passed until they bid their goodbyes.

"Sila Tita?" nagtatakang sabi ko.

Ngumisi si Aileen. "Tulog pa siguro sila. Ayaw na naming istorbohin."

Kahit nalilito ay tumango na lang ako. "Have a safe trip and advance happy new year," I said.

Aileen once again hugged me. Ganoon rin si Muhiro. I kissed Josch cheeks. Nakita kong tinapik naman ni Muhiro sa balikat ang kapatid niya.

"Alis na kami, brother."

"Don't come back here, alright?" sarkastikong saad ni Koen.

Tinawanan lang siya ni Muhiro samantalang hinawakan siya ni Aileen sa braso dahilan para matigil siya. May binulong si Aileen sa asawa at sabay silang tumingin sa amin bago humalakhak ulit.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon