Chapter 02

37.7K 1.1K 62
                                    

Ladesma

I remembered myself wishing nothing but in peace. Sa tingin ko, hindi ko kailangan pagsisihan ang lahat ng nangyari.

"Nay, sigurado po ba kayo?"

Sinundan ko ng tingin si Nanay na abala sa paglalagay ng mga damit at gamit ko sa loob ng isang malaking bag. Medyo luma na ito at may punit na pero iyon na ang pinakamaayos kaya iyon na raw ang dadalhin ko.

Bumuntong-hininga si Nanay. Itinigil niya ang ginagawa at humarap sa akin. Bakas ang saya na may halong lungkot sa mga mata niya.

"Kapag kinupkop ka ng mga Ladesma, sigurado na ako sa kinabukasan mo. Kailangan mong makapag-aral. Kailangan mong magtapos. Pero hindi ka namin kayang pag-aralin ng Tatay mo kaya mas ayos na sa amin ang ganito.."

"K-Kaya ko naman pong pag-aralin ang sarili ko---"

"Petibam! Anak!" putol sa akin ni Nanay. Napakurap-kurap ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Anak, makinig ka. Kailangan mong makapagtapos ng maaga. Ayoko nang sayangin ang pagkakataon na ito. Maglilingkod ako sa pamilyang Ladesma at pag-aaralin ka nila. Iyon ang mangyayari.. Pakiusap. Petibam.."

"Nay.."

"Magkikita naman tayo roon, anak," pilit akong pinasigla ni Nanay. Ngumiti siya sa akin.

"Sila Tatay.." dahilan ko.

"Bibisita ka pa rin naman dito! Huwag kang mag-alala!"

Lumamlam ang tingin ko. Hindi ko gusto na lumayo sa pamilya ko pero hindi ko rin naman gustong sayangin ang binigay sa amin ng mga Ladesma.

"Mag-iingat ka roon, Ate," mangiyak-ngiyak na sabi ni Brianna, nakababatang kapatid ko.

"Mamimiss ka namin," si Pipoy naman na malungkot na nakatingin sa akin.

Niyakap ko silang dalawa ng sobrang higpit. Saktong lumabas naman ng bahay sina Nanay at Tatay. Malungkot akong ngumiti sa kanila.

"Huwag kang magpapagutom at matulog ka sa tamang oras.. Huwag mong susuwayin kailanman ang mga Ladesma para hindi tayo mapahamak," ani Tatay.

"Opo, Tay.."

Lumambot ang tingin nito at niyakap ako na agad ko namang binalik. Nakisali si Nanay kaya naman halos maiyak ako.

I have always thought that rich families were cruel. Nakita ko agad ang laki ng agwat ng mga taong mayayaman sa mahihirap na gaya namin. Kaya naman hindi ko maintindihan kung bakit naisip ng pamilyang Ladesma na kupkopin ako at pag-aralin. Ang alam ko'y matalik na magkaibigan si Nanay at si Tita Kristina.

Bata pa lamang ay mulat na ako sa kahirapan. Isang mangangalakal ng mga bakal at bote ang tatay ko, si nanay naman ay nagtitinda at naglalako ng mga gulay. Natuto akong maghanap ng mga pagkakakitaan lalo pa't panganay ako sa aming magkakapatid. Natuto akong makuntento sa mga bagay na binibigay sa akin. May mga bagay na gusto ko, ngunit hindi ko makuha dala ng kawalan ng pera.

Mahirap kami pero ipinagpapasalamat ko na din iyon dahil nakakasama namin lagi sina Nanay at tatay sa bahay. Hindi katulad ng ibang anak ng nakukulangan sa aruga at atensyon ng magulang. Kaya naman nagdadalawang-isip pa rin ako sa ideyang sa masiyon ng mga Ladesma ako titira. Hindi ako sanay na hindi kasama ang aking pamilya.

"This will be your room.."

Lumingon ako sa lalaking nagsalita na nasa likuran ko. He's tall. His eyes was gloomy. Matangos ang ilong, makapal ang kilay at manipis na labi. Tipikal na depenisyon ng isang gwapong lalaki. His skin was tan. Makisig din siyang tingnan. Para siyang model o artista. Sigurado akong ilang taon ang tanda niya sa akin.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon