Chapter 19

23.3K 874 119
                                    

Hate

Pinaupo ako ni Tita sa isang parihabang lamesa matapos kong magbihis. I am now wearing a red backless dress. It showed too much of my skin but it looks stunning on me. Of course, Tita Kristina chose it.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga bisita sa paligid. Most of them are now eating. Ang iba ay nag-uusap-usap pa.

"Stay here first, hija. I'll be back. Kamustahin ko lang ang mga kumare ko," ani Tita Kristina.

Tumango ako. Nilingon ko ang table ni Nanay at nakitang abala na sila ngayon sa pagkain. I wanna ask Tita kung bakit hindi na lamang ako roon nauoo but that would be rude so I shut my mouth up. Umalis na si Tita sa tabi ko. Naiwan ako kasama ang mga babaeng may edad na. Ang iba ay tingin ko'y ka edad ni Tita habang ang iba ay matanda na. I smiled at them when they all looked at me.

"Kristina is right, hija. You're really beautiful.." panimula ng isang ginang.

She looks so classic with her french twist hair and wearing a green v-neck gown. I bet she's just years older than Tita Kristina.

"Thank you po," I answered.

"No, no! She's not just beautiful. Look at her. Fascinating! That's the right word!" anang isang matandang ginang.

Bahagya akong nahiya sa papuri nito sa akin. Sa totoo lang, hindi pa rin ako sanay makihalubilo kahit pa ilang beses na akong sinama ni Tita sa mga events. I still don't know what to say and how to reply. Maybe because I am still having a lack of confidence.

Nagtuloy-tuloy ang pakikipag-usap ko sa kanila. They are all nice. Sanay silang makipag-usap kahit sa mas bata pa sa kanila kaya hindi ako gaanong nahirapan. Hindi sila nawawalan ng sasabihin kahit na minsan ay hindi na ako nakakasagot.

"Model si Kristina way back on her college life, right? Mas maganda kung susunod ka sa yapak niya, hija!"

All of the people in our table agreed on what the other woman said. Bigla akong napressure dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin.

That one didn't even came into my mind. Matangkad at maputi ako, oo. They say I could pass as a model. Marami na ang nag-udyok sa aking pumasok sa pagmomodelo but I refused. Bukod sa hindi ko gusto ang ganoon at masyadong mababa ang tiwala ko sa aking sarili, mas gusto kong tumutok sa pag-aaral. Isa pa, kapag nagmodelo ako, paniguradong mawawalan ako ng oras sa maraming bagay. Probably in my hobbies and family.

"Hindi ko po hilig ang pagmomodelo," I said politely.

"Oh! What do you want to be, then?"

Kumunot ang aking noo. Naisip ko tuloy kung alam ba nito kung kaano-ano ako ni Tita dahil sa paraan ng kanilang pagsasalita. They are all pleasing me. I bet they don't know. Siguro kung alam nila na anak ako ng isang katulong ng mga Ladesma ay hindi nila ako pakikitunguhan ng ganito. O baka naman alam nila? Ewan. I know I shouldn't judge them easily but I am starting to doubt everyone.

Hindi ako nakasagot. Mabuti na lamang ay dumating si Tita Kristina kaya naiba ang topic.

Naburyo ako sa mga pinag-uusapan nilang hindi ako makarelate kaya nagsimula na muli gumala ang aking mata. My eyes darted to Koen near our table. Saktong tumayo siya at kinausap ang iilang kalalakihang kasama niya roon. Tingin ko'y nagpaalam siya dahil umalis siya at pumasok sa loob ng mansiyon. Hindi ako nagdalawang-isip na magpaalam kay Tita na magtutungo ako sa washroom para sumunod kay Koen.

"Sure, sure, hija. Just be quick, okay? The other guests might look for you."

Tumango ako. I smiled to the womens on the table before standing up.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon