Chapter 36

23.6K 809 53
                                    

Yours



Know your worth..

Noon pa man, iyon na ang paulit-ulit na sinasabi sa amin ni Nanay mula pa pagkabata. Hanggang lumaki, iyon pa rin ang bukambibig niya. Hindi ko alam kung bakit pero inisip ko na lang na siguro ay nakagawa siya noon na siyang konektado sa halaga niya. Na siyang dahilan para sabihin niya iyon sa amin. Gusto niyang pahalagahan namin ang sarili namin higit sa kahit sino o kahit ano..

And it's funny to think na kung ano pa ang paulit-ulit na itinuro sa akin noon ang siyang nakalimutan ko. O ang kinalimutan ko.

Pinalis ko ang nanunuyo nang mga luha sa pisngi ko bago tumayo at lumapit sa tukador. I stared at my pale face.

It is not wrong to love. But too much loving is. Ika nga, lahat ng sobra ay masama. If you love a person, then love him dearly. Love him with all your might. Love him and make him feel it. Pero hindi mo dapat siya mahalin ng higit pa sa sarili mo. Hindi mo kailangang gawin ang lahat para sa kanya lalo na kung puro ikaw nalang ang nagbibigay. You don't need to lose your dignity and pride for him/her. You don't stoop that low just for loving someone.

"Ate! Dumating na si Nanay! Hinahanap ka!"

Walang pasabing pumasok sa kuwarto ko si Brianna. Hindi ko siya nilingon bagkus ay inayos ko ang sarili. On the mirror, I saw her tilting her head. Kyuryoso niya akong tinitingnan, nahahalata na may mali sa akin.

"Okay ka lang, ate?"

Hanggang kailan ko ba maririnig ang tanong na 'yan?

Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang kapatid kong dalagang-dalaga na talaga. Pinaghalong seryoso at kyuryoso ang mga mata niyang nakatingin sa akin. I tapped her head before I smiled.

"Of course, okay lang ako.. Bakit naman ako hindi magiging okay?"

"Para kasing umiyak ka," she stated.

"Napuling lang ako."

"Naririnig kitang humihikbi kanina.."

Hindi ako nakasagot sa gulat ngunit ngumisi ako. Nalilito ako kung dapat ba akong mainis o matawa sa pagiging mausisa niya.

"Magagalit si Nanay kapag nalaman niyang umiyak ka," she said before she left my room.

Kung tutuusin, hindi mo naman kailangang isakripisyo o sirain ang dignidad at pagkatao mo para lang sa pagmamahal. Dahil ang pagsakripisyo sa bagay na iyon, matatawag pa ba iyong tama? Choose love when it's right, not when it's wrong.

But I know, love has no limits. Kapag mahal mo, wala ka ng ibang iisipin. Gagawin mo lahat kahit pa mali..

That's what too much loving enters. Mahal na mahal mo kaya kahit ano gagawin mo. Kahit ano, huwag lang mawala ang taong mahal mo. And it's toxic. It is love but it's lousy.

Ibinababa na ni Nanay sa parisukat na lamesa ang mga pinamili niya sa palengke ang nadatnan ko paglabas ko ng aking kuwarto. Rinig ko ang ingay ng mga kapatid ko sa sala.

"Nay..." I called.

Her eyes immediately darted to me. Ang tingin niyang iyon, hindi pa man, naiiyak na ako. Tiningnan niya ako na para bang alam niya ang lahat ng mga pinagdadaanan ko. Na para bang alam niya ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon. And it's piercing my heart even more.

She sighed. Tuluyan niyang binitawan ang hawak na mga plastic bags kapagkuwan ay inangat ang magkabilang braso upang salubungin ako. Tears stung into my eyes. I runned fast towards her.

"Nay, s-sorry.. Nakagawa ako ng mali... Nakagawa ako ng kasalanan," I sobbed as I hugged her tightly.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Nanay sa buhok ko. "Lahat ng tao nakakagawa ng kasalanan, anak.."

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon