Chapter 28

24.9K 821 94
                                    

Warning: Unedited..




Sick

Masakit ang aking ulo pagkagising. Inisip kong dahil iyon sa puyat dahil mag-uumaga na akong natulog. Dahil hindi naman masyadong masakit at kaya ko pa naman ay hindi ko na masyadong pinagtuunan ng pansin.

Tito and Tita really flew to Manila. Tulog pa ako noong umalis sila dahilan para magulat ako nang si Koen lang ang nadatnan ko sa hapag. He was busy scrolling on his phone.

Tahimik akong kumuha ng bowl, freshmilk at cereals pagkatapos ay inilagay ko lahat iyon sa lamesa. At dahil kaharap ko lamang si Koen ay hindi ko naiwasang mapasulyap sa kanya. His gaze is in me, pinapanood na naman ang bawat kilos ko. Umiwas ako ng tingin at pinagpatuloy ang ginagawa. Ngiwi nga lang ako ng ngiwi habang pinapakiramdaman ang pagkirot ng ulo ko.

God, I hate headache.

Wala sa sariling minasahe ko ang aking sentido. Natigil lang iyon nang magawi ang paningin ko kay Koen na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"May sakit ka?"

"Wala. Masakit lang ulo ko," sagot ko pagkatapos ay umupo na.

"Tss.. That's the effect of your stubborness. I told you to wait there. Pero ang tigas ng ulo mo."

Sumimangot ako. "Ganyan ba ang ginagawa mo sa mga taong masakit na ang ulo? Sesermonan mo pa?"

He tilted his head at bahagya pang pumikit na para bang kinakalma ang sarili. Napalabi ako nang marealize na seryoso pala siyang nangsesermon. Pero nakakadagdag kasi ng sakit ng ulo ang panenermon niya. Like, hello? Matanda na ako. I don't need it.

"I just don't understand why you ran when it's clearly raining. Look what you did.." his voice went cold.

"Itutulog ko ito mamaya kaya siguradong mawawala na 'to," sabi ko.

Hindi na siya umimik pa kaya nagsimula na ako sa pagkain. Just when I thought of a good conversation with him para hindi masyadong awkward ay tumayo siya. Napaataas agad ako ng kilay pero hindi siya tumingin sa akin dahilan para naguguluhan kong pinanood ang paglabas niya ng dining area. But he came back after a few minutes and placed a medicine on the table.

Napakurap-kurap ako at nag-angat muli ng tingin sa kanya. "Ano 'to?"

"Drink that after you eat," he said.

Bumalik na siya sa kinauupuan niya sa harapan ko pero nanatili pa rin ang tingin ko sa kanya. When he looked at me, mabilis pa sa alas kuwatrong nagbaba ako ng tingin at tumuloy sa pagkain. I flushed.

Gaya ng gusto niya, ininom ko ang gamot sa sakit ng ulo sa harapan niya. After that, nauna na ako sa kanyang umalis sa hapag kahit pa nauna naman siyang natapos sa pagkain. I took a shower thinking that it would ease the pain of my head at mawala ang masamang pakiramdam ko but it turns out na sinipon pa ako. Parang mas lalo pang bumigat ang katawan ko dahilan para hindi na ako nakalabas ng kuwarto.

I took a nap for I don't know minutes or hours. Nagising lang ako na nilalamig na at balot na balot na ng comforter. May pumatong na bagay sa noo ko pero mabilis lang. I heard someone cursed. Pagkatapos ay naramdaman ko ang pagtayo ng kung sino mula sa kama.

I slowly opened my eyes but it was too late. Pasarang pinto na lamang ang natanaw ko. Dahil inaantok pa, natulog ako ulit.

I woke up again when someone is shaking my shoulders. I groaned and opened my eyes again only to see Koen's face. Pinakiramdaman ko pa ang sarili habang nakatingin sa kanya.

"Wake up.. You need to eat and drink meds.." he said.

Pumikit ako ulit, nanghihina at nilalamig bago unti-unting bumangon. Hinawakan niya ang siko ko at inalalayan.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon