Prologue

75.5K 1.7K 424
                                    

PRONUNCIATION OF NAMES

• Petianna - Pe-shana
• Koen - Ko-wen
• Amadeo Lasquie - Ama-de-yo Las-ki
• Krycelle - Kree-sell










Prologue

Isang maliit na isla ang tanaw ko mula sa aking kinatatayuan. I am so much fond of beaches. And now, after how many years, makakatapak na akong muli sa mga buhangin at malalanghap ang hangin na halos makalimutan ko na. The sight of the white sand excites me.

I turned around to see Alas who's already walking towards me. Wearing a simple white sando na hapit na hapit sa katawan niya and a trunks, he looked so hot. No wonder why all girls with us here in a small boat was looking or drooling over him. Kanina pa, pagsakay pa lang namin ay tila nakaglue na ang mga mata nila sa lalaking kasama ko.

"Huwag mo 'ko masyadong titigan, Petibam, baka matunaw ako," he said playfully.

Napakurap-kurap ako at kalaunan ay inirapan siya. Hindi pa kontento, umirap ako ulit nang matanto ang kayabangan niya.

"I am just curious why girls drool over you.." I smirked. Pinasadahan ko siya ng tingin kunyari. "Hindi ko makita ang dahilan."

Kumunot ang noo niya, tila hindi niya pa nakuha ang sinabi ko. Napahalakhak ako. When he realized it, lumapit siya lalo sa akin. He was pissed. Asar na asar siya sa sinabi ko dahilan kung bakit lukot na lukot na ang mukha niya nang nasa harapan ko na.

"Ang sabihin mo, bulag ka lang!"

Umiling-iling ako habang nakangisi. Tinalikuran ko siya at kinuha ang lagayan ng tubig saka uminom.

I saw how the girls glared at me. Nasa kabilang dulo sila ng bangka. They are 4 girls, puro mga chinita at halatang tourista rin katulad namin. This is not the first time I encountered girls like them. Most of the time, kapag magkasama kami ni Alas, halos patayin na ako sa tingin ng mga babaeng nakakasalamuha namin na may gusto sa kaniya. I am kinda used to it. And..

Whatever.

Nilingon ko si Alas na ngayon ay busy na sa pakikipagtawagan sa kung sino.

Sa kanyang plano itong pagbakasyon namin at hindi ko na halos maalala kung paano niya ako napilit na sumama. Matagal na rin noong huli kong punta sa mga beach. Pero kung papipiliin ako ay mas gugustuhin kong mapag-isa at magpahinga nang walang kasama. It’s just too hard to refuse him and be in a vacation alone when he invited me already.

Tumigil ang bangka at isa-isang bumaba ang ibang sakay. Alas held my hand and scooped me. Namilog ang mga mata ko nang ibaba niya ako.

"Thank you.."

He just smirked. Tinulungan niya rin ang apat na babae kaya naman malalaki na ang ngisi ng mga ito nang dumaan sa harap ko.

Pinilit ko ang sariling ngumuso dahil doon. Hindi ko aagawin iyan sa inyo. Jusko.

I shook my head as I walked towards a cottage. Tuwang-tuwa na akong naglalakad sa buhangin at nilingon si Alas. Tinawanan niya ako.

"Dito na tayo.."

Tumango siya. I put my things inside the cottage while he spoke with the guy who went to us.

Mabuti na lang at may kurtina ang mga cottage, at may pinto. I closed the door. Nagbihis ako at naglagay ng sunscreen. One piece bikini isn't that bad, huh?

"Wanna swim?" tanong ni Alas pagkapasok, tapos na akong magbihis.

Umiling ako. "Wala sa plano ko ang lumangoy."

Tumaas ang kilay niya. "Ano palang gagawin natin dito? Tutunganga?"

Tumawa ako. As if naman kaya niyang tumunganga dito? Kaya ko iyon, ewan ko lang sa kaniya.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon