Chapter 03

29.4K 1K 272
                                    



Peeked

My summer with the Ladesmas was terrific. Lagi akong sinasama ng mag-asawa sa mga lugar na hindi ko pa kailanman napuntahan.

I didn't expect it. Ang alam ko lang ay pag-aaralin nila ako. I never thought they would treat me as their child. Gusto nila akong sumama sa mga family outings nila. I even once went out of the country! Mabilis nilang prinoseso ang passport, visa at iba pang mga kinailangan ko. Nakakapunta rin ako sa mga party ng mga mayayaman and I can say, sobrang layo nga ng agwat ng mga mayayaman at mahihirap.

Isa lang ang napansin ko kapag may family outings, laging wala ang bunsong anak ng mag-asawa. Well, kahit pala walang outing, kahit sa bahay ng mga Ladesma ay wala ito. Meanwhile, Muhiro, their eldest was always present. Kaya naman mabilis ko itong nakapalagayan ng loob.

Hindi ko kailanman nakalimutan ang pamilya ko. Lalo na dahil si Tita Kristina mismo ang bumibili ng mga souvenirs para kila Nanay. Dalawang araw matapos kong makarating sa mansiyon ng mga Ladesma ay dumating si Nanay para maging katulong. Masaya ako dahil hindi ako nag-iisa.

"Wow, Ate! Ang ganda nito!" tuwang-tuwang sabi ni Brianna matapos makita ang mga biniling damit ni Tita Kristina para sa kanya.

She's 9 years old. 6 years younger than me. Maputi, payat at may maiksing buhok. Namumula mula rin ang kanyang pisngi pareho ng akin. Sa tabi nito ay si Pipoy na nakatitig sa akin. Siya ang bunso.

"Maganda sa Italy, Ate?" anito.

Tumango ako at ngumiti. "Sobra.. Kapag nagkatrabaho na ako at may pera na, dadalhin ko kayo doon!"

Nagningning ang mata nilang dalawa. Kahit tuloy ako ay naexcite sa naisip.

"Ang yaman mo na, Ate!" ani Pipoy.

My smile disappeared on what he said. Bago pa man ako makapagsalita ay pinitik na siya ni Nanay sa tainga. Napamaang ako.

"Pipoy! Hindi ba't sinabi ko na sa inyo? Sa mga Ladesma ang lahat ng iyan. Hindi sa Ate ninyo. Kaya naman huwag niyong gamitin ang lahat ng ibibigay nila sa atin sa masasamang gawain. Naiintindihan ninyo?"

"Opo, Nanay.. Nakalimutan ko po.." tumingin sa akin si Pipoy na parang nahihiya. "Sorry, Ate.."

"Gusto ko rin tumira sa mansiyon, Nanay!" ani Brianna.

"Kapag malaki ka na, titira ka sa isang mansiyon," paniniguro ko.

"Talaga, Ate?"

"Oo.. Basta kapag mag-aaral ka na ulit, kailangan matataas ang grades mo."

Tuwang-tuwa si Brianna dahil doon. Nang tumingin ako kay Nanay ay may kung ano sa mga mata niyang hindi ko mabasa.

"Dito ka na kumain ng hapunan, anak.. Ngayon lang ulit ito," aniya.

Ngumisi ako sa tuwa. "Si Tatay po?"

"Parating na iyon. Kumuha lang ng pang gatong mula sa likod.."

True enough, wala pang ilang minuto ay dumating na si Tatay. Kumain kami at hindi napawi ang ngiti ko kahit sa pag-uwi sa mansiyon. Kahit nang maglinis ako ng katawan at humiga sa kama ay ramdam ko pa rin ang saya.

It was in the middle of the night when I suddenly woke up. Maliwanag ang buong kwarto dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok mula sa malalaking bintana. Dilat na dilat ang mga mata ko habang nakatulala sa puting kisame. Hindi na ako dinadalaw pa ng antok.

Bumangon ako at nagpasyang bumaba muna sa kusina para uminom ng tubig. Alas onse na ng gabi kaya nang lumabas ako sa aking kwarto ay masyadong tahimik.

That's what I thought..

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon