Chapter 07

26K 1K 168
                                    

Young

"Bakit ayaw mong sumama?"

Binaba ko ang hawak kong libro, sumusuko na sa ilang beses na pagbabasa kahit walang pumapasok sa isip ko. My mind was too preoccupied on what Alas was saying.

Unang araw ng eskwela sa buwan ng Enero, nakaupo kaming pareho sa isa sa mga bench sa ilalim ng malalaking puno ng acacia. Sa gilid niyon ay iyong soccer field na may mga estudyanteng naglalaro kahit sa gitna ng tirik na tirik na araw. Dito kami laging tumatambay kapag free time.

"Pumunta ka na! Ang KJ mo!"

"Hindi ko alam kung sasama pa ba ako sa sinabi mong KJ ako," I sarcastically said.

He groaned. "Come on!"

He invited me on his birthday party this coming saturday. Kanina niya pa iyon sinasabi sa akin. Gaganapin iyon sa bahay nila at siguradong aabutin ng gabi kaya naman nag-aalangan ako. Hindi pa ako kailanman nakakadalo sa isang party na ako mismo ang inimbitahan.

"It's my birthday, Peti! You should come!"

"Pag-iisipan ko.."

He pouted. "Kapag 'di ka pumunta, 'di na kita kakausapin! Magtatampo ako!"

"Magpapaalam muna ako, okay?"

"Sa mga Ladesma?"

"Yup! Sa kanila ako nakatira, remember?" I smiled at him.

Nang makita niya ang ngiti ko ay bumusangot ulit siya.

"I will invite them! Wait, no.. For sure my parents will invite them!"

Tumawa ako at nginisihan siya.

Gusto kong pumunta dahil naging malapit na rin siya sa akin. I don't want to miss his birthday pero hindi pa ako sigurado dahil kailangan ko pang magpaalam. Hindi ko rin sigurado kung makakapunta ang mag-asawa dahil may flight sila papuntang Singapore sa friday.

Sa sasakyan pauwi ay paulit-ulit kong pinaalalahanan ang sariling magpaalam kay Tita Kristina bago matapos ang araw.

"Si Tita Kristina?" tanong ko sa isang katulong na nakasalubong papasok.

"Ay nasa likod po, Ma'am Peti. Sa may balkonahe. Kasama si----"

"Salamat po," sabi ko at mabilis ng naglakad papunta roon.

Nakita ko agad si Tita Kristina na nakaupo sa upuang naroon. I walked fastly towards her. Nang makalapit ay natanaw ko sa kanyang harapan si Koen. Naging mabagal tuloy ang paglakad ko at parang gusto ko na lamang ipagpaliban muna ang sasabihin. Pero baka makalimutan ko?

Nakatalikod si Tita sa akin at nakaharap naman sa banda ko si Koen. Nakapatong ang isang kamay niya sa lamesa at tila may malalim na iniisip. Napakurap-kurap ako nang mag-angat siya ng tingin dahilan kung bakit nagtama ang paningin namin.

So what if he's here, right?

Taas noo akong naglagay palapit sa kanila. When Tita noticed me, agad niya akong pinaupo sa tabi niya. Saka ko sinabi ang pakay ko talaga.

"Birthday party?"

Tumango ako.

Tita Kristina paused for a while. Parang may inisip pa siya.

"Oh, right! May natanggap nga akong imbitasyon mula sa mga Pervino.. How did you know about it?"

"Malapit po kasi sa'kin yung may birthday."

"Manliligaw?" singit ni Koen.

Nagulat ako sa biglaang pagsalita niya. Gusto kong magtaas ng kilay pero mas nanaig sa akin ang kagustuhang masuka nang maisip na manliligaw sa akin si Alas. Not that I look so down on him.. Well, may itsura siya, masaya kasama, matalino at mayaman. But I don't think I'd like him more than something else.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon