Chapter 21

24.8K 932 331
                                    

Back

Simula't sapul, nakatatak na sa isip ko na lahat ng gusto ni Tita Kristina at Tito Oliver ay susundin ko. Utang na loob ko sa kanila ang lahat ng mayroon ako ngayon. If it wasn't because of them, I wouldn't go to school again. Hindi ako makakagraduate at lalong wala akong trabhaho ngayon. Hindi ko mapapag-aral ang mga kapatid ko at hindi ko mabibigyan ng maayos na buhay ang mga magulang ko.

I'll do everything to pay up. Iyon rin ang gusto nila Nanay. Kaya naman kahit hindi ko gusto, umuwi ako ng Bicol para doon icelebrate ang nalalapit na pasko. Sina Nanay, Tatay, Brianna at Pipoy ay pumunta sa Europe. Binigyan ni Tita Kristina ng trip at ang ibang panggastos ay ako na ang nagbigay.

Sa loob pa lamang ng aking minamanehong BMW at palapit sa itim na tarangkahan ng mga Ladesma ay nakikita ko na ang malaking fountain na may mga anghel na nakapalibot. Sa likod n'on ay nasisilip ko ang mansiyon.

The large black gate opened. Muntik na akong mabigla dahil madalas ay may lalapit munang guard bago makapasok. But when I saw how the guard bowed to me, na mukhang nakilala ako, I started maneuvered my car slowly, entering the land of Ladesmas. The fountain is purposely dividing the way into two. The right path is for the entrance and the left is for the exit. Tinahak ko ang kanang daan papunta sa mansiyon, sa kaliwa ko ay ang fountain.

Sa entrada ng mansiyon, ngiting-ngiting nakatayo si Maria na nag-aabang sa akin. Tinigil ko ang sasakyan at pagkalabas ay ibinigay sa valet ang susi.

"Ma'am Petianna! Naku! Mabuti naman at nandito ka na ulit! Kaytagal na nang huli kang umuwi!"

Kinuha ni Maria ang dala kong luggage bag. Hindi ko maiwasang matawa dahil mukhang excited na excited siyang makita ako. Sa bagay, silang mga katulong lang naman ang kasama ko lagi rito kapag wala ang pamilya.

"Kamusta? Mukhang mas gumanda ka yata?" I teased.

"Hay naku! Si Ma'am talaga! Ikaw nga itong gumanda lalo e! May boyfriend ka na ba ngayon, Ma'am?"

Tinawanan ko lang ang tanong niya at hindi sinagot. Sinabayan niya ako sa paglalakad papasok habang nagdadaldal tungkol sa pagbabago ng pisikal kong anyo. Ilang buwan lang naman akong nawala pero pakiramdam ko ay taon na sa pagiging exagerrated niya.

Nilibot ko ang aking paningin sa loob at napansin ang ilang pagbabago. Wala na ang flat screen TV sa living room. Nabago ang puwesto ng mga sofa at ang puting piano sa kaliwa na dating natatakpan ng puting tela ay kita na.

"Hija! Petianna!" I heard Tita exclaimed somewhere.

I lifted my eyes up to the grand stairscase. Doon ko nakita si Tita Kristina na nagmamadaling bumaba hawak ang isang blow-dryer. Nagulat ako dahil nasuot pa siya ng bathrobe at may tuwalya pa sa buhok. It seems like she just took a bath and was about to blow-dry her hair.

"Tita.. G-Good morning po!" I greeted, a little bit hesistant.

Binigay ni Tita ang hawak sa katulong pagkababa. Nang makalapit sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit na para bang hindi kami nagkita noong nakaraang tatlong buwan.

"I didn't know you are coming today!"

I chuckled. "Surprise po eh?"

"Oh you, woman!" Tita laughed.

Bumitaw si Tita, hindi pa rin mapigtas ang ngiti sa kanyang labi. Natitigan ko tuloy ng matagal ang mukha niya and now, I could see some wrinkles on her forehead. Ang bilis nga talaga ng panahon.

"But I am glad you came! Akala ko ay hindi mo pauunlakan ang hiling ko," aniya.

Hindi ako nakasagot at pinigilan ang pagtaas ng kilay. What does she mean? Puwede bang hindi ako pumunta? Oh.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon