Hello! Excited ako mag-update at dahil may load ay babaliin ko ngayon ang sched ko. Yiiee. Hindi na yata ako magsasawang magpasalamat sa pagbabasa ninyo nito. Your votes and comments will be highly appreciated. I wanna know your thoughts, guys!
Tent
"Hindi pa ba tayo uuwi?" mahinang tanong ko kay Koen.
Alas quatro na ng hapon ngunit heto pa rin kami't magkatabing nakaupo sa buhanginan habang tinatanaw ang malawak at maalong dagat.
Nilingon ko ang mga kaibigan niya sa cottage na maingay na nagtatawanan. Nag-iinuman sila kanina. Hindi naman ako umiinom at mukhang hindi rin naman ako paiinumin kaya nagpasya akong pumarito. Ngunit pagkaraan pa lamang ng ilang minuto ay sumunod siya sa akin at naupo sa tabi ko na hinayaan ko na lang.
"I still wanna watch the sunset with you.." he said.
"Makakauwi pa ba tayo pagkatapos n'on?" nag-aalalang tanong ko.
Binalingan niya ako. The corner of his lips rose and his eyes flickered with amusement.
"We're going to sleep here. Overnight."
Namilog ang mga mata ko. Gusto ko ring panoorin ang sunset kasama siya but to sleep here overnight? Lumakas ang tambol ng puso ko. Here? With him? Saan naman dito?
"Wala tayong tulugan.." naguguluhang usal ko.
He chuckled. "Don't worry.. May dalang dalawang tent si Lance.. Bukas ng umaga tayo uuwi."
Tumango-tango na lang ako at umiwas ng tingin. Buong akala ko ay babaling na ulit siya sa dagat pero naramdaman ko ang pananatili ng titig niya sa akin. He even moved closer to me. Nasa kanan ko siya. Kanina ay may distansya pa sa aming dalawa ngunit ngayon ay wala na. Nagdidikit pa ang aming mga binti.
Umawang ang aking labi. I tried so hard not to look at him. Mariin ang titig ko sa dagat. But when he touched the strands of my hair, napasulyap na ako sa kanya. He eyes were down to me.
Umiwas akong muli ng tingin at yumuko. Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri sa kamay.
"Sabihin mo na sa'kin.."
"Hmm?"
Hindi ko alam kung nakikinig ba siya ng maayos dahil abala pa rin siya sa paghawak sa buhok ko. Minsan ay inaamoy-amoy niya pa iyon kaya hinawi ko ang kamay niya ng hindi tumitingin sa kanya. He chuckled.
Kinagat ko ang ibabang labi ko. "Sabihin mo na sa akin ang paliwanag mo, five years ago."
I felt him stiffened. Dahan-dahan akong nag-angat ng ulo para salubungin ang tingin niya. He looked surprised. He didn't expect it, huh?
Hindi ko alam kung nasabi niya na ba sa akin ang tungkol doon noon o hindi. Kung oo man, sigurado akong hindi ko iyon pinakinggan habang nag-uusap kami bago siya umalis. All I think back then is my hate for him.
He shook his head. "You don't need it. I lied, baby. I lied to you.. My explaination won't change everything. Wala ng saysay kahit sabihin ko-"
"Sabihin mo sa akin. Gusto ko lang malaman.." my voice broke.
Tumitig siya sa akin ng matagal kapagkuwan ay yumuko at pumikit ng mariin. Kinagat ko ang aking labi.
"Mom was annoying me. It's too much. Palagi niya akong tinatanong kung bakit ako umuuwi-uwi. I don't know what to say. Ayokong malaman niya na gusto kita dahil... She thinks you are her child and you are my little fucking sister. Siguradong magagalit siya sa akin at palalayuin ako sa'yo. That's why I accepted her offer to court Krycelle Gados just to make her stop. I was desperate..." suminghap siya.
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomanceIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...