Chapter 38

25.1K 844 317
                                    

Isn't




If I would be given a chance to read the minds of other people? I would gladly read it. Dahil mas gugustuhin kong malaman ang katotohanan kaysa sa mga kasinungalingang lumalabas sa bibig. I would prefer to know the truth even if it hurts. Even if it would kill me..

Tulala akong nakatitig sa labas ng bintana habang malalim na nag-iisip. Nauna nang umalis si Alas samantalang nagpaiwan ako rito sa café. I want to think.. I want to rest.. 

That's what I want to do not until a man came. Walang paalam itong naupo sa harapan ko kung saan nakapuwesto si Alas kanina.

Napamaang ako. "Anong ginagawa mo?" gulantang na tanong ko.

Koen did not talk.

Umigting lang ang kanyang panga at parang may sasabihin kaso nagpipigil lang. Bumaling siya sa labas ng bintana nang hindi ako tinitingnan. One look in his face, I knew he's mad. Mariin ang titig niya sa kung saan sa labas na para bang may kaaway siya roon. Mabilis at marahas din ang paghinga niya. The veins on his sneck is showing making him look more attractive to me. Shit! Kahit galit, nakakahulog pa rin!

Calm down, Petianna. Calm all your senses down! Huminga ako ng malalim.

I get it. He's really mad. Pero anong sense ng pag-upo niya sa harap ko kung hindi niya ako kakausapin? Kinagat ko ang aking labi para magpigil ng tawa. Ano? Diyan lang siya, uupo, at parang nagtatantrums na bata?

"Bakit ka nandito?" I asked again, now a slow and careful one.

"I should be the one asking you that. Anong ginagawa mo at bakit ka nandito?" mariing tanong niya sabay tingin sa akin.

Napakurap-kurap ako, hindi agad nakasagot sa pagiging agresibo ng kanyang boses at matalim na tingin.

"Bawal na ba ako rito?"

He cursed in my response.

"Ikaw ang bakit nandito! Hindi ba't nasa Bicol ka noong umalis ako?" I said.

Umigting ang kanyang panga. "You left! What do you expect me to do? Stay there and wait? Ni hindi ka nga nagsabi na aalis ka!"

Napalinga-linga ako sa paligid, takot na makapag-eskandalo kami dahil tumataas na ang tono ng kanyang boses.

"Nagpaalam ako kina tita-"

"Sa akin, Petianna! Sa akin! Hindi ka nagpaalam sa akin!" may pait at hinanakit na sabi niya.

"Bakit ko naman kailangang magpaalam sa'yo?" nanginig ang labi ko.

"Bullshit!"

Napapapikit ako sa malutong niyang pagmura. Pagdilat ko'y halos manghina ako nang matanaw ang sakit at galit sa kanyang mga mata. He looks so tired. Shit!

I couldn't take it. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ko. Ngunit bago niya pa iyon makita ay tumayo na ako.

"A-Aalis na ako. Huwag mo 'kong susundan, please," sabi ko at nagmamadaling umalis sa harap niya.

I heard him calling my name but I didn't look back. 

Tumutulo ang luha ko habang palabas ng restaurant kaya naman paulit-ulit ko iyong pinapahid. Ngunit hindi pa man ako nakakarating sa sasakyan ay may humigit na sa braso ko.

Koen's furious eyes was the first one I saw. But when he saw my tears, his reaction immediately replaced with confusion. 

"Why are you crying?"

Umiling-iling ako. "Bitiwan mo 'ko.."

I tried to pull back my arm. Hinigpitan niya iyon lalo at hinila ako palapit sa kanya. Nakayuko siya sa akin at pinunasan ang aking luha ngunit iniwas ko ang mukha ko.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon