Got
Excited akong bumaba ng hagdan. Nakangisi ako habang iniisip ang mga masasayang bagay na magagawa ko kasama si Koen. Maybe we can go to a beach some time? Paborito ko ang buhangin at ang maingay na alon! Ang tagal ko ng hindi nakakapunta roon!
I was expecting Koen in the living room but it was Muhiro who I saw. Kunot ang noo nito at nagtataka sa itsura ko.
"Ikaw pala, Muhiro!" I smiled.
Tinagilid niya ang kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Tinitigan niya ang mukha ko na para bang may dumi roon. Namula ako ng bahagya.
"Is that a lipstick on your lips?"
Napalabi ako. Shit. Light lang ang pagkakalagay ko non ah? Nakita pa rin? Napapansin rin kaya ang konting foundation sa mukha ko?
Ngumuso ako at pilit pa ring ngumiti ng matamis sa kanya. Natawa naman siya at napailing-iling.
"Hindi 'yan lipstick. Liptint," pagtatama ko.
"Bakit ka naman naglagay niyan?"
"Wala lang.. Uh.. Bakit? Hindi ba bagay?" nag-aalala kong tanong.
Si Tita Kristina ang bumili ng lahat ng mga pampagandang makikita sa loob ng kuwarto ko. Wala naman akong interes doon noon. Kahit pa halos sa mga kababaihan ngayon sa edad ko ay natural na naglalagay non and Tita always remind me to wear some of it para naman daw mas tumingkad pa ang ganda ko ay hindi ko ginagamit. Bukod rin kasi sa hindi ako sanay ay hindi rin ako marunong.
But right now, kahit hindi marunong at kahit tingin ko ay medyo palpak, nag-effort ako.
"Bagay sa'yo. Hindi lang ako sanay," humalakhak si Muhiro.
Ngumiti naman ako.
"By the way, saan ba ang punta mo?"
Bumaba ang tingin niya sa damit ko kaya napasipat din ako roon. I am wearing a large gray tshirt and a white short shorts. Natagalan pa ako sa pagpili ng isusuot kahit marami naman akong damit. Kahit dito lang kami sa bahay ay gusto kong presentable ako.
Nang mang-angat ulit ako ng tingin ay nahagip ng mata ko si Koen. Bagong ligo rin siya at mamasa-masa pa ang buhok.
"Saan punta ninyo?" ulit ni Muhiro.
"None of your business," masungit na sagot ni Koen.
Naglakad siya papunta sa akin kaya tinampal ko siya sa braso. He automatically glared at me. Kahit kailan talaga!
Binalingan ko si Muhiro na hindi ko alam kung nakangiti o nakangisi habang nakatingin sa aming dalawa. Palihim tuloy akong napairap.
"Magmomovie marathon. Sama ka?" sabi ko.
Nagtaas ng kilay si Muhiro. Buong akala ko ay tatanggi siya ngunit nang magawi ang paningin sa kapatid ay lumawak ngumisi niya. He nodded repeatedly while he's eyes are still in Koen.
"Great idea! I have nothing to do today."
Nilingon ko si Koen na busangot ang mukha habang nakatingin sa akin. Tumaas ang kilay ko at nagtatanong siyang tiningnan. Napawi lang iyon nang akbayan ako ni Muhiro habang nakangiti.
"Let's go?"
Hinila niya ako patungo sa movie room. I can't but to glanced at Koen who's walking next to us at the back. Hindi maipinta ang itsura niya.
That's why when we're finally in the room, nilapitan ko agad siya. Abala naman si Muhiro sa pagpili ng movie na panonoorin namin.
"Ayos ka lang?" I murmured.
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomanceIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...