PromisedMga katok sa pinto ng aking kuwarto ang nagpagising sa akin. Pupungas-pungas pa akong bumangon, bahagya pang inaantok.
"Ma'am Peti?" boses ni Fery, ang katulong. "May bisita po kayo sa baba."
Pikit pa ang mata ko, nangununot ang aking noo. Sino naman ang bibisita ng ganito kaaga? Dumilat ako para hagilapin ang orasan sa tabi ng kama. My eyes widened. Alas sais pa lang!
Nasapo ko ang noo ko.
"Ma'am Peti? Tulog pa po ba kayo?"
"Gising na!" sagot ko.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa banyo para makapagligo ng mabilis. Habang nagbibihis ay minumura ko na sa isip ko ang taong bumisita ng ganitong oras. Really?
Pagbaba, nagulat ako nang naabutan ko sa dinning area si Koen na mag-isang kumakain. Bagong paligo at umaalingasaw ang kanyang body wash.
He shifted on his seat when he saw me. Umigting ang kanyang panga. Kamuntik pa akong magtaka sa galit niya, umagang umaga. Hindi nga pala ako bumaba kagabi. Nagpahatid ako ng pagkain kay Nanay sa kuwarto. Sapilitan pa iyon dahil hinihintay raw ako ni Koen pero hindi ako nagpatinag. Sinabi sa akin ni Nanay na hindi na raw siya kumain kakaantay. Pinigilan ko ang sarili kong mapangisi.
Serves you right.
"Peti, may bisita ka raw. Madali ka na at puntahan mo na roon sa sala," si Nanay.
"Opo!"
Isang sulyap muli sa masamang timpla ng mukha ni Koen ang aking ginawa bago lumabas. Si Alas ang nakita ko sa sala. Prente siyang nakaupo sa mahabang sofa at nang matanaw ako ay tumuwid siya ng upo.
"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong tanong.
"Oh come on! Galit ka pa rin ba? Bakasyon na oh!"
Hindi ko siya pinansin. Dumiretso ako sa pang-isahang sofa. Saktong pag-upo ko ay lumabas si Koen mula sa dinning area. Sinundan ko ng tingin ang dirediretso niyang paglabas ng mansiyon. He didn't look at us.
"Petibam, sorry na.."
Bumaling ako kay Alas. I suddenly feel guilty for avoiding him. Ngayong humupa na ang galit ko ay gusto kong sapakin ang sarili. Alas has been a good friend to me. Pagkatapos ay inichapwera ko dahil lang sa hindi pagkakaintindihan.
Kahit hindi ko aminin, naapektuhan rin ako sa ginawa kong paglayo sa kanya. Nasanay akong kasama siya kahit saan ako magpunta sa school. Palagi siyang nakadikit sa akin. And being without him feels so lonely. Hindi ako sanay mag-isa pero sa dalawang linggo ko siyang hindi nakasama ay nagawa ko. Pero malungkot. He's my only close friend. Wala ng iba. Siya lang ang pinaka pinagkakatiwalaan ko maliban sa aking mga magulang. Siya ang nakakaalam ng halos lahat tungkol sa akin. I can't afford to lose him for just only one mistake.
"Sorry rin.." nakalabing sabi ko.
Ngumiti siya ng malawak. Ang kaninang lungkot sa mata ay nawala. Agad akong tumayo at tumabi sa kanya. Niyakap niya ako sa sobrang tuwa.
"Shit! Akala ko talaga hindi na tayo magkakabati!" he exclaimed happily.
Natawa ako at niyakap siya pabalik ngunit saglit lang iyon dahil nang masulyapan ko ang galit na pigura ni Koen sa may pinto ay kumalas agad ako. He was standing there and staring. Salubong na salubong ang dalawang makapal na kilay habang umiigting ng paulit-ulit ang kanyang panga.
Alas was confused by my sudden move. Nilingon niya ang tinitingnan ko at nang makita iyon ay bumuntong-hininga. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago tumayo.
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomanceIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...