Chapter 14

22.7K 832 106
                                    

Woman

Sa classroom, ang mga babaeng kaklase ko ay lantarang hinahayag kung pano nangyari ang first kiss nila. Kung sino at saan. Sabi ng iba, there's nothing special on it. Iyong iba naman, nakakakilig.

Pero bakit yung akin, nakakawala sa wisyo?

Napakurap-kurap ako. Wala akong ibang marinig kung hindi ang malakas na tibok ng puso ko habang nakatulala sa maamong mukha ni Koen sa aking harapan.

Simple at ilang segundo lang ang halik pero pakiramdam ko umabot ng ilang minuto!

Bumuka ang aking labi para magsalita pero walang lumabas na kahit ano roon. Sa huli, tumikom lang ulit ang bibig ko. I gasped as I looked at the man in front of me. Samu't saring katanungan ang pumasok sa isip ko bagaman nakatitig sa namimungay na mga mata niya. Halos makalimutan ko ng nasa dagat pa rin ako at nakakunyapi ang aking mga braso sa batok niya. Bumitaw ako roon at agad ring nagsisi nang lumubog ako.

I immediately panicked. Ngunit maagap akong hinawakan sa magkabilang baywang ni Koen at pinirmi sa pwesto. Wala sa oras ko tuloy na kumapit ako sa mga braso niya bilang suporta.

"Easy..."

"K-K-Koen.." gulat na sambit ko.

Namungay lalo ang kanyang mga mata.

"A-Anong... B-Bakit--"

Kinabig niya ako ulit payakap sa kanya. He hugged me tightly. I felt his hot breath above my ear.

"Don't move. Don't talk.. Let's stay like this for a minute.."

Nahigit ko ang aking hininga. Hindi ako nakapagsalita ngunit pumikit ako ng mariin. My heart pounds faster than its normal beat at sigurado akong ramdam na ramdam niya na iyon!

We stayed like that for l don't know how many minutes. Wala kaming imikan. Ang malamig na tubig ay hindi ko naramdaman dala ng init ng katawan ni Koen na nakadikit sa akin. Hanggang sa pabalik na sa kanya-kanyang mga kuwarto, tahimik pa rin. Akala ko ay magsosorry siya o kung magpalaliwanag sa nangyari pero hindi siya nagsalita!

Halos mabaliw tuloy ako sa loob ng kuwarto ko.

What was that?

We kissed! He kissed me!

Awtomatikong umangat ang aking kamay patungo sa labi. Muli kong inalala ang pakiramdam ng pagdampi ng kanya sa akin. His lips were soft. Hindi lang pala iyon mamula-mula pero malambot din! Oh god, Petianna! What the hell are you thinking?

But why did he do that? Nababaliw na ba si Koen?! At... Sila Muhiro! Naalala kong nasa tabing dagat lamang sila kanina. Did they saw it?!

Naghaharumentado ang puso't isip ko hanggang sa gumabi na. Nang ipinatawag na ako para kumain ay halos ayoko ng bumaba. Hindi ko na alam kung paano ko haharapin si Koen dahil sa nangyari. Nahihiya ako kahit hindi naman ako ang nag-initiate n'on kung hindi siya. Bakit niya ba kasi ginawa 'yon?

Hindi ako makatingin sa kanya nang kumain kami. Tahimik lang din ako at minsan ay natutulala pa. Pagkatapos kumain, hindi ako dumiretso sa aking kuwarto. I went out of their resthouse. Sa dalampasigan ako nagtungo. Hindi ko inalintana ang malamig na hangin ng gabi habang tinatanaw ang maingay na agos ng mga alon.

Bumuntong-hininga ako. Nalilito ako.

"It's cold. Why are you here?"

Nagtindigan ang aking mga balahibo. Nang lingunin ko si Koen ay nakapamulsa siya at matamang nakatingin sa akin.

"A-Ah.. Oo, nagpahangin lang saglit."

He didn't respond. Nanatili siyang nakatingin sa akin. Napaatras ako at nag-iwas ng tingin.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon