Chapter 30

24.3K 883 117
                                    


Girls

Pagpasok ko sa cottage, bigla akong nahiya. Naroon na ang lahat at abala sa kanya-kanyang ginagawa. May mga nag-aayos ng mga pagkain at naghahalo ng juice. Some were just talking. Napansin kong dalawa lamang ang babae. Isa na roon iyong babaeng chinita na sumigaw kanina.

I bit my lower lip. Gusto kong umatras at bumalik na lamang ulit kay Koen sa pag-aakalang matagal pa siyang susunod pero nang umatras nga ako ay bumangga ako sa kanya.

Nagtaas siya ng kilay sa akin. "What are you doing?"

"Uh.." nangapa ako ng salita.

Before I could finally talk, hinawakan niya na ako sa braso at hinila papasok. Panay ang linga ko sa mga tao sa paligid. Halos lahat ay patingin-tingin sa amin pero hindi lang nagsasalita.

Pinaupo ako ni Koen sa may dulo kung saan walang masyadong tao. Binaba niya sa gilid ang dala-dala niyang bag ko.

"Stay here first, alright? Kakausapin ko lang si Neigs," aniya.

Napaawang ang labi ko. "Iiwan mo ako rito?"

"You won't be alone. Talk to the girls, baby."

"Tungkol saan ba ang pag-uusapan ninyo?" hindi ko na naiwasan ang magtanong lalo na ang irita sa tono ko.

"We'll talk about business, Petianna. Not women.."

"Wala akong sinasabi. Bakit defensive ka?" umismid ako.

I badly want to grab his shirt and pull him down beside me right now but he seems like in an urgent kaya kahit ayaw ko ay hinayaan ko na lang siya. Muntik ng sumama ang loob ko pero hindi naman dapat ganoon. Baka nga importante ang pag-uusapan nila. Magpasalamat na lamang ako na isinama niya ako rito kaysa naman maburyo ako sa bahay mag-isa.

I wonder what's the event right now? Bakit may handaan at dito pa sa Aguirangan?

Pinasadahan ko ng tingin ang lahat. They seems to be so comfortable with each other. Iyong mga lalaki ay nagtatawanan at nagtutulakan. May pinagku-kuwentuhan silang hindi ko maintindihan. Napatingin ako sa handa sa lamesa at hinanap kung may birthday cake ba pero wala naman. Maybe this is a reunion. That's the nearest answer that I can see. Mukha nga naman silang hindi nagkita-kita ng matagal na panahon dahil sa ingay nila. Or ganito na talaga sila kagulo?

Nangunot ang aking noo. How did Koen ended up with loud boys like them?

"Hi?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa tabi ko. Nang lumingon ako ay tumambad sa akin ang isang babaeng magandang babaeng mas matangkad sa akin. She's wearing a purple two piece bikini. Kumpara sa babaeng chinita kanina, medyo tan ang kulaynng balat niya. But still, I envy her slim body.

"Sorry!" sabi niya nang makita ang gulat ko.

"A-Ayos lang.."

She smiled. "I'm Noemi. That's Reatha.." tinuro niya iyong babaeng chinita na kasalukuyang nakikipagtawanan sa mga kalalakihan.

"Petianna," I said.

"I know.." She smiled again this time, more sweetly. "Mind if I ask you?"

"Sure. Ano 'yon?"

This is good. Hindi ako sanay na nauuna kapag nakikipag-interact ako sa ibang tao. That's why everyone thinks I'm snob. But I am not. Hindi lang talaga ako sanay na nakikipag-usap sa iba. Natatakot akong kapag kinausap ko sila ay hindi nila ako pansinin. Pero kapag kinakausap naman ako, kinakausap ko rin. I just don't do the first moves.

"Sorry kung tingin mo masyado akong chismosa, huh? I just really wanna know. I'm dead curious!" tumawa siya.

Gusto kong mamangha sa kanya dahil kahit pagtawa niya ay maganda pa rin siya pero dinagundong na ako mg kaba sa itatanong niya.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon