Chapter 40

30.5K 907 98
                                    

Hello! This is the last chapter of this book! I am very pleased you've come this far. To those people who supported me, voted and commented on this story, thank you so much! Hope to see you again on the other books of this series! 

Next is the Epilogue...





Trust 

Everyone knows what trust is.. Everyone knows that it is to believe that someone or something is reliable, good, honest and effective. It isn't just a word. It is something that you can't give in just a snap. You need to work hard for it. You have to do everything to earn it..

Nakakalungkot lamang na minsan, kung kailan lang tayo naloko ay doon lang natin pahahalagahan ang pagtitiwala. Believing someone who once lied to you is very difficult.. Kahit na gustong-gusto mong pagkatiwalaan siya ulit, mahihirapan ka. You will think of the possibilities that might happen. You'll have your what ifs because you doubt that person..

And now, the way I see it, trusting is like gambling. Susugal ka sa pagbibigay ng tiwala sa iba. Hindi mo alam kung iingatan niya ba ang tiwalang binigay mo o sisirain niya. 

"Petianna, anak..."

Tumigil ako sa pagtupi ng mga damit at wala sa sariling napalingon kay Nanay. Nakatayo siya sa may pinto habang nakaharap sa akin, tila may malalim na iniisip.

"Bakit po, 'Nay?" maingat na tanong ko sa kabila ng kabang nararamdaman.

Kinakabahan ako dahil ang pagiging seryoso ni Nanay ang pinaka kinatatakutan ko. Well, who wouldn't be scared if your mother will look at you like she knows your deepest secret?

"May relasyon ba kayo ni Koen?" she asked bluntly.

"N-Nay?" gulantang na sambit ko.

"Tumawag siya sa akin kaninang alas onse. Ang sabi niya ay pupunta raw siya rito para kausapin ako tungkol sa iyo..." Tumingin siya ng direkta sa mga mata ko.

Napalunok ako.

"Pero noong pumunta siya rito sabi ni Pipoy ay nag-usap kayo pagkatapos ay umalis siyang galit?"

"A-Ano kasi... 'Nay..."

Bumuntong-hininga si Nanay. Mabagal siyang lumakad siya palapit at naupo sa tabi ko. Samantalang unti-unti akong napayuko at kinagat ang ibabang labi. My eyes were glued to the blue cloth I was holding. I couldn't look straight on my mother's eyes.

"Noon pa man ay nararamdaman ko ng may kung ano sa inyong dalawa.."

"Sorry, 'Nay.." mahinang sabi ko.

Hindi nagsalita si Nanay kaya naman napaangat ako ng tingin. Salubong ang mga kilay ni Nanay kaya mas lalo akong natakot. Kaso..

"Bakit ka nagsosorry?"

Muli akong nagbaba ng tingin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Kasi sinabi ninyo sa akin na magkaiba ang mayayaman at mahihirap.. Na marami pang iba.. Pero... Siya pa rin ang gusto ko 'Nay. Hanggang ngayon. Kaya sorry.."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Nanay. "Sinabi ko lang iyan noon dahil bata ka pa."

Namilog ang mga mata ko at napatingala ako sa kanya.

"Kaibigan ko si Kristina at alam kong walang problema sa kanyan kung ang magiging manugang niya ay galing sa mahirap na pamilya. Maging si Oliver ay ganoon rin."

Uminit ang aking pisngi. Manugang? Aabot ba kami sa ganoon? I don't want to think about the future yet. I'm scared. Ayoko man pero alam kong maraming mga bagay ang posibleng mangyari sa mga susunod na araw, buwan at taon. Puwedeng makahanap pa si Koen ng iba.. Kasi ako? I don't think I would..

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon