Chapter 04

27.8K 1K 194
                                    

Come

Two weeks after that, natapos ang summer. Nawala na naman ang bunsong anak ng mga Ladesma at nagsimula na akong maghanda para sa pagpasok sa eskwelahan.

Tita Kristina was so excited that she even go with me just to buy some school stuffs. Nakakahiya man ay hindi na ako tumanggi.

Dumating ang unang araw ng eskwela, abot tahip ang kaba ko. Sa isang private at sikat na eskwelahan ako inenroll ng mag-asawa kaya naman halos hindi pa ako makagalaw sa kinatatayuan ko habang nakatingala sa matataas na building sa loob ng campus. Sobrang ganda at sosyal ng eskwelahan. Ang suot kong uniporme ay maiksi ang palda at de butones ang blusa. Hindi ko na kailangang magulat, eskwelahan ito ng mga mayayaman.

Pagpasok sa classroom ay sobrang ingay. Sa huling upuan sa right corner ako umupo at pinagmasdan ko ang mga kaklase kong kumportable na sa isa't isa.

"May nakaupo ba rito?"

Isang lalaking may nakasalpak na headset sa kaliwang tainga, may hawak na bag at nakabusangot na mukha ang lumitaw sa harapan ko. Tinutukoy niya ang upuang nasa tabi ko.

Mabilis akong umiling.

"Okay. Salamat." aniya at umupo sa upuang tinuro.

Bumuntong-hininga ako at lumingon sa katabing bintana. Kitang-kita ko ang malaking soccer field. Sa gilid ang mga bench na binabalak kong tambayan na napapaligiran ng mga naglalakihang puno.

"Transferee ka?" salitang muli ng katabi ko.

Lumingon ako at nang makitang ako ang kausap ay agaran ang pagtango ko habang nakangiti.

"Pipe ka ba?"

"H-Huh?"

Humalakhak siya. "Akala ko pipe ka. Hindi ka nagsasalita e."

Kumunot ang noo ko. I don't know if I'll laugh or what.

Akmang magsasalita ako nang tapikin siya ng isang lalaki sa likod niya. Ngumiti sa akin na tila nahihiya ang lalaki nang makitang nakatingin ako bago binalingan ang katabi ko.

"Alas! Mamaya, ah?"

"Oo! Oo!" tumatawang sabi ng katabi ko.

Kumurap-kurap ako at may natanto. Masyadong masayahin ang katabi ko. Bahagya akong natuwa. This school year must be fun.

Natapos ang usapan nila kaya naman bumaling ulit sa akin ang lalaki. I sensed that he'll talk but he didn't. Nakita niyang nakatingin ako sa harapan kaya naman doon na rin siya tumingin kahit wala namang nakakaaliw tingan roon.

Maya-maya ay humarap ulit sa akin ang lalaki.

"I'm Amadeo Lasquie Pervino.. You can call me Alas for short."

Tumango ako.

Hilaw siyang ngumiti. "You are?"

"Petianna Velasco."

Nilibot ko ang tingin sa classroom. Masyado pang maaga. Sigurado akong late darating ang magiging adviser namin.

"Ang boring mo naman kausap!"

My brow furrowed immediately. Kanina ko pa iniisip kung maooffend ba ako sa mga sinasabi niya pero tuluyan na akong na offend.

"Sino ba kasing nagsabi sa'yong kausapin mo ako?" pabalang kong sinabi.

Tumaas ang kilay niya. Imbes na mainis sa pambabara ko ay parang namangha at natuwa pa siya.

"Woah! An angelic face with a different personality.."

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon