Date
"Brianna, kapag dumating na si Nanay sabihin mong umalis ako at hindi dito maglulunch. Makikipagkita ako sa isang kaibigan," I told her.
Nakaharap ako sa salamin habang pinagmamasdan ang ayos ng suot ko.
Sa repleksyon ay nakita ko ang pagilingon niya ako sa isang mabilis na galaw. Muntik pa akong mapaatras dahil doon. Her eyes narrowed at me.
"Sinong kaibigan, ate?"
Nagtaas ako ng kilay. "Kailan ka pa nagkaroon ng interes malaman ang tungkol sa mga ginagawa ko?"
"Gusto ko lang malaman, ate.. Uhm, bawal ba?" sabi niya sabay ngisi. "Alam ko namang si Alas na naman ang kasama mo kaya dapat 'di na kita tinanong."
"Hindi si Alas.." umiling ako.
"Hindi siya?"
"Basta. Isang kaibigan mula sa Amerika.." naguguluhang sabi ko.
Wait. Why am I even explaining?
Kumunot ang aking noo at tinitigan ang kapatid ko. Nakitaan ko ng gulat ang kanyang mata hanggang sa unti-unti siyang umiwas siya ng tingin pero nakangisi pa rin.
"Ganoon ba, ate? Sige! Sasabihin ko kay Nanay kapag nakabalik na siya.."
Close ako sa mga kapatid ko ngunit pakiramdam ko habang lumalaki sila ay may mga bagay na akong hindi nalalaman sa kanila. Pero naiintindihan ko naman iyon dahil mayroon din naman akong mga bagay na hindi sinasabi sa kanila. It's just that, it's weird.
Hindi pa ako nakakapasok sa restaurant ay natanaw ko na ang lalaking nakaupo sa tabi ng bintana. Franz who is wearing a navy blue polo shirt waved his hands to me.
Tumango ako at naglakad palapit habang pinapasadahan ng tingin ang mga tao dito sa loob ng restaurant.
"Pasensya na, natagalan," sabi ko nang makaupo sa harap niya.
"Ayos lang. At least dumating ka.."
Napatingin ako sa kanya at nakita kong malaki ang ngisi niya. Napangisi rin ako at napailing-iling.
Franz is one of my suitors way back highschool. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon. Mahiyain siya noon at laging naasar ng mga barkada niya. I was in my last year in senior high when he became friends with Alas. I don't know what happened pero nakita ko na lamang na inaaya na siya ni Alas na sumali sa paglalaro nila ng basketball. At dahil doon ay naging malapit na rin siya sa akin.
Siguro dahil may mga pagkakapareho sila ng ugali at hilig ni Alas kaya sila naging magkaibigan. Ganoon rin ang naging dahilan ko. Ngunit sa kanilang dalawa, mas lagi kong kasama si Alas dahil mas matagal ko siyang kilala. Bukod pa roon, medyo naiilang din ako kay Franz dahil hindi niya kailanman itinago ang pagkakaroon niya ng interes sa akin. Whenever he has a time for it, he'll grab it. Bagay na hindi ko gusto. But still, he's nice as a friend.
He studied college in America. At hindi siya kailanman nawalan ng koneksiyon sa amin. Ngayong taon lamang siya ulit nakauwi. Noong December iyon.
"Anong gusto mo?" ani Franz habang nakatingin sa menu.
Nasa kaliwa ko ang waiter na nag-aantaynng order at ang kanan ko naman ay ang malaking bintana. Kitang-kita ko sa labas ang isang malaking mall.
"Kahit ano..." I said.
My phone beeped. May sinabing pagkain si Franz sa waiter na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Dumungaw ako at sinilip ang cellphone ko.
Koen:
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomanceIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...