Chapter 01

44.3K 1.3K 236
                                    

Want

God knows how much I tried my best to focused on our island hopping.

Pinilit ko ang sarili kong tumingin kung saan-saan at ibaling ang atensyon kay Alas. I always nod and smile at him when he talked. Umarte ako ng normal. But I am too distracted. The enggaged couple was with us everytime we hop into another island.

Gusto kong magreklamo dahil hindi ako makapag-concentrate. Hindi ko ma-enjoy ang mga isla na napupuntahan namin. My eyes always flew to them. Kitang-kita ko kung paano kumalingking ang Krycelle na iyon. I saw how they flirt to each other. Ilang beses pa akong nahuli ni Koen na nakatitig sa kanila so I always ended up embarrassedly looking away. Sa sobrang hiya ay hinihila ko si Alas sa kung saan.

"That spot is so nice, Peti!" reklamo ni Alas.

"Mas maganda dito! Take a picture of me," palusot ko.

Hindi na siya nagsalita at kinuhanan ako ng litrato. I smiled and pose satisfactory. I have a slender body but that didn't make me confident since then. Right now was different. I was more than confident just enough to make other people stare at me. Ang iba ay tumitigil pa sa paglalakad upang lingunin ako.

Sumulyap ako sa dalawang taong sumisilong sa ilalim ng puno ng buko. Taimtim silang nag-uusap. Ngunit agad na bumalik sa camera ang tingin ko nang makita ang madilim at pailalim na tingin ni Koen. Napakurap-kurap ako at nataranta.

"Why don't we swim?" biglang suggest ko kay Alas.

Binaba ni Alas ang camera. Nauna magpahayag ng tuwa ng mga mata niya bago lumabas sa bibig ang pagdiwang.

"Damn! Akala ko hindi na ako makakalangoy!"

Tinawanan ko siya at naunang tumakbo patungo sa dagat upang maiwasan na ang mapatingin sa banda nila Koen.

Sa bangka na namin sila sumasakay hanggang sa bumalik kami sa private beach ng kaibigan ni Alas. I was so tired. Si Alas na ang bumitbit ng mga gamit namin. Hindi ko na nilingon pa ang dalawa habang pababa kami ni Alas ng bangka.

Pinili kong magpahinga muna bago kumain dahil sa pagod. Alas agreed to that. Saka ko lang naisip kung bakit bumaba rin sina Koen at ang fiancé niya kanina sa bangka nang naglalakad na kami patungo sa hotel room.

"Magpahinga ka muna. I know you're tired.." ani Alas.

"Okay. Ikaw din.."

Tinalikuran ko siya at iniswipe na ang card ng room ko. My door opened and I was about to come in when he grabbed my arm.

"Petibam.."

Nilingon ko siya nang nagtataka. "What?"

"Nakita ko 'yon.."

"Ang alin?"

Seryoso siyang tumingin sa akin. "Your ex.."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi na ako nagulat doon. Laging malapit ang dalawa sa pwesto namin kaya hindi malabong mapansin niya rin iyon.

"Hindi ko siya namukhaan noong una. But I knew it was him.. Koen Ladesma, 'di ba?" pumangalumbaba siya at tinitigan ako, tila naninimbang.

"Hindi ko siya ex," sagot ko.

Tumaas ang kilay niya, hindi naniniwala sa sinabi ko. "Really?"

Bumuntong-hininga ako at umiling. "I'm tired.. I wanna rest."

Binitawan niya ang braso ko. I smiled at him before entering my room.

Alam kong hindi tama ang nangyari kanina. I did something wrong and guilt filled me. Alas invited me in this vacation but I am not paying attention to it. It's bad. I know. He's disappointed. I am too. Maayos ang intensyon niya sa pagpunta namin rito. He wants me to enjoy it pero hindi ko nagawa.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon