Chapter 23

24.5K 833 196
                                    

None

A day before christmas, I decided to buy some things and gifts. Hindi ko na inabala ang sariling bumili sa Laguna dahil alam ko namang mayroon din namang bilihan dito. But I regretted it.

Malayo ang centro ng Goa sa mansiyon ng mga Ladesma. Kinailangan ko pang magdrive ng ilang minuto bago makarating doon. When I got there, I was disappointed for myself. Wala akong halos mapili. Bukod sa wala akong masyadong nagustuhan ay kaonti lang din ang magandang pangregalo na nakita ko. Naisip kong mas mabuti siguro kung sa Naga ako bibili kaso babiyahe pa ako ng mahigit isang oras patungo roon.

In the end, hindi talaga ako nakuntento. Talagang nagdrive na ako papunta sa Naga at doon na bumili.

"Good morning, Ma'am!" bati ng mga staff sa isang jewelry shop na pinasukan ko.

I only smiled. Nagsimula na akong magtitingin ng mga alahas. Isang silver amulet ang napili ko para kay Josch. May kamahalan, pero nang maisip ko ang cute na mukha niya ay nabili ko na.

Nagpasya na akong aalis na habang nagbabayad sa kahera pero gumagala pa rin ang mga mata ko. Hindi ako magastos kaso hindi ko mapigilan. Not until my eyes went to a black and silver bracelet. Simple lang ang designs pero hindi na naalis ang tingin ko.

"We can engrave your name or initials on this, Ma'am," paliwanag ng kahera nang makitang nakatingin ako roon.

I don't know but Koen was the one who came up to my mind while looking at it. An image of him wearing that bracelet gives me some weird feeling. Tingin ko rin ay bagay iyon sa kanya.

"I'll buy it.."

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. I was busy staring at the necklace that I didn't even notice him. Nanatili ang tingin niya sa cashier habang ako'y pinasadahan siyang tingin.

He looks attractive. Patunay na roon ang babaeng cashier na ngiting-ngiti na kulang na lamang ay tumili. Guwapo kasi at malaki ang katawan. He has a fair skin. Nasilip ko rin ang dimple sa kanyang pisngi nang ngumiti siya pabalik sa cashier. He really is handsome. But... I don't know. Tingin ko, mas lamang pa rin si Koen.

Wait... Bakit nasali si Koen dito? Pinilig ko ang aking ulo.

"Gusto mong bilhin?" baling sa akin ng lalaki.

Napakurap-kurap ako. "Sana?"

He only chuckled. Bumaling siya sa cashier at nagtanong kung meron pa bang iba. Sadly, the cashier said it was the only one left. Mabilis raw talaga kasi maubos ang stock nila ng ganoon dahil marami ang bumibili.

"Ikaw nalang ang bumili, Miss.." anang lalaki.

"H-Huh?" nagugulat na sagot ko.

"You can have it-"

"Naku! Okay lang po! Sa'yo na, sir!" pigil ko.

Hindi rin naman talaga ako sigurado na bibilhin ko iyon dahil hindi ko rin alam kung may pagbibigyan ba ako... O kung ibibigay ko ba talaga.

"No.. I really don't intend to buy it."

Hindi ako naniwala sa lalaki pero mukhang wala na talaga siyang planong bilhin pa iyon at mapilit siya kaya sa huli, ako na ang bumili.

I have it engraved with my initials.

P.B.V.

Kung bakit, hindi ko alam.

Muli kong hinarap ang lalaki pagkatapos kong bilhin ang bracelet but he's no where to be found. Gusto ko man hanapin, wala na akong oras. Kailangan ko ng bumalik dahil mabilis lang ang  paalam ko kay Tita.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon