Chapter 26

25.3K 931 202
                                    

Warning: Unedited.




Grocery

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog o kung nakatulog pa ba ako. Ang alam ko lang, patirik na ang araw, gising pa ako. At nang magising ako ulit, tanghali na.

"Tinanghali ka yata, hija?" Tita was grinning from ear to ear.

Natigil ako at biglang kinabahan. May alam kaya siya? No. Imposible. Kami lang ni Koen ang naroon sa conservatory.

"Napasarap po ang tulog ko, Tita," dahilan ko.

"Alright.. Kumain ka na, siguradong nagutom ka."

Tahimik akong tumango at umupo na sa laging puwesto sa hapag. It was their lunch already samantalang ang sa akin ay breakfast pa lamang. Nagsimula akong kumain, never minding the pair of keen eyes that are seriously making me uncomfortable. Matindi na ang pagkailang na nararamdaman ko at pakiramdam ko pa ay magkakastiff neck na ako pero pinangatawanan ko pa rin na hindi tumingin sa taong kaharap ko.

"Siya nga pala, hija. Bukas ay luluwas kami ni Oliver sa Maynila.."

Tumango lang ako, nasa isip na hindi naman sila magtatagal at uuwi rin agad sa mismong araw. Ganoon ang madalas na gawain ng mag-asawa noon pa man kaya sanay na ako. Hindi ko lang alam kung bakit kailangan pang sabihin sa akin ni Tita ang tungkol doon. Hindi naman na sila nagpapaalam sa akin ni Tito kapag aalis katulad ng ginagawa nila ngayon. Noon oo, pero nang magdalaga na ako ay hindi na.

"Sinasabi namin ito incase lang na hanapin mo kami sa mga susunod na araw. We have to check something in Manila. Hindi kami sigurado pero baka matagalan," sabi ni Tito.

"Po?!" gulantang na sagot ko.

"Don't worry. Surely, we'll be back before the New Year's Eve," dagdag ni Tita.

Napasinghap ako, hindi pa nakakabawi sa pagkabigla. Aalis sila? Matatagalan? They won't be back until new year? Bakit parang biglaan naman yata? Dinagundong agad ako ng kaba pero siyempre, hindi ko pinahalata. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

"Kung gan'on, ako lang pong mag-isa rito sa mansiyon?" tanong ko.

Of course, I know that won't happen! But I am still hoping!

Tita Kristina giggled. "Silly. Koen will stay here with you. Hindi ka puwedeng iwan dito mag-isa.."

Bumagsak ang aking balikat.

Nawalan na ako ng ganang kumain pagkatapos n'on pero pinilit ko pa rin ang sariling sumubo kahit konti. Sa huli, konti pa rin talaga ang nakain ko. Mabuting hindi iyon napansin ni Tita dahil abala na ito sa pakikipag-usap kay Tito. My eyes accidentally glanced at Koen in the middle of it but when I saw him staring at me with so much emotion, it went back down to my food.

I have a bad feeling about this. Mabilis na akong nag-isip ng mga posible kong gawin para lang maiwasan ang pagtatagpo namin sa malaking mansiyon na ito. To have Tito Oliver and Tita Kristina here with Koen is fine. But without them, it is really totally not going to be fine.

Sa loob ng kubo ako nagtungo pagkatapos kumain. Sinampa ko ang dalawang paa ko sa upuan, niyakap ang mga binti at pinatong ang aking baba sa tuhod habang nakatanaw sa mga halaman ni Tita.

Saan pa ba ang hindi ko napuntahan sa mansiyon na ito?

Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ng yabag palapit sa may kubo. I lifted my gaze up and Koen's dark image appeared infront of me.

"Nandito ka lang pala. I've been looking for you," he hissed.

Umiwas ako ng tingin nang makaramdam na naman ng malakas na kabog sa dibdib. Can I stop it just for a second? Bumuntong-hininga ako para ikalma ang sarili.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon