Chapter 25

25.6K 952 264
                                    


Warning: unedited.




Until

"Hindi pa ba kayo tapos?" tinig ni Tita Kristina ang pumutol sa mahabang katahimikan.

"Matatapos na po, Tita," sagot ko.

Napatingin ako kay Koen na inilagay na sa isang malaking plastic ang punit-punit ng mga wrapper. Tahimik akong tumulong at nang mailagay ko ang wrapper na hawak sa plastic bag ay tumama ang kamay ko sa kanya. Nagkatinginan kami pero ako na ang unang umiwas at umayos ng tayo.

"Pakilagay na rin ang mga ito sa closet ko sa kuwarto, anak, Petianna, ha? Hay nako. If there are only maids here," ngiting-ngiti pang sabi ni Tita.

Gusto kong umangal dahil kating-kati na akong umakyat sa kuwarto para lang matakasan na si Koen pero tinikom ko na lang ang bibig ko.

Umalis ulit si Tita. Binilisan ko na ang pagpulot pero pansin ko ang mabagal na kilos ni Koen. Tumigil ako at nagpamaywang, masama ang tingin sa kanya. He stopped too. Hindi ko alam kung guni-guni ko ba ang pagngiti niyang konti bago humarap sa akin. Mas lalo tuloy sumama ang mukha ko. He looked at me with innocent eyes.

"Why are you looking at me like that?" he asked.

"Ang bagal mo kumilos. Bilisan na para matapos na, hindi ba?" sarkastikong sabi ko.

He only nodded and bit his lips. Hindi ko alam kung para ba iyon takpan ang lumalabas niyang ngiti.

Gusot na gusot ang mukha ko habang naglilinis ng mga kalat. Si Koen ang nagdadala ng mga regalo sa kuwarto ni Tita. Kapag natapos na ako rito ay tutulungan ko siya dahil siguradong matatagalan siya sa dami ng mga regalo.

"Lahat ba iyan ay sa kuwarto ni Tita?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

He is busy gathering all the gifts. Kinuha ko iyong pagkakataon para tingnan siya dahil kapag nagkakatinginan kami ay hindi ko kinakaya. Remembering what he did a while ago makes my heart go wild. Oh, Petianna, forget it! Kunyari walang nangyari!

Nag-angat siya ng tingin sa akin. I immediately turned my back to him. Pinagpatuloy ko ang pagwawalis kahit nahuli niya na ang tingin ko.

"Yes. May isang malaking closet siya sa kuwarto nila para sa mga regalong ganito karami kada pasko," paliwanag niya.

Napaisip tuloy ako lalo. Hindi naman ganito karami ang mga regalo na Tita kapag pasko. Mga one fourth lang dito dati. Ngayon lang naman nangyari ito. Is it possible that Tita gained more friends last year? Kaya ganito na lang karami ang mga regalo niya?

Para namang narinig ni Koen ang mga tanong ko dahil nagsalita ulit siya.

"Most of it are from the people and foundation she helped. Matulungin si Mom ngayong taon kaya ganito karami.."

Tumango na lang ako. Nilingon ko ulit siya at nakitang paalis na siya ng living room at mukhang papunta ulit sa kuwarto nila Tita. Siya kaya? Siguradong marami rin siyang mga regalo. From his exes and lovers for sure. Kaya ayos lang talaga na hindi na ako nagbigay dahil marami naman siyang natanggap. That's right.

Matagal bago namin nadala lahat ng gamit sa kuwarto ni Tita. At iritang-irita ako dahil natagalan kami dahil sa sobrang bagal ni Koen. Hindi ko alam kung nananadya na siya o ano. Basta nang matapos kami ay dumiretso na ako sa loob ng kuwarto at nagkulong roon.

"Hindi mo na talaga ako tinawagan! Ang sama mo!" maingay na reklamo ni Alas nang magvideo call kami kinagabihan.

"Binati kita ng merry christmas, hindi ba?"

"Binati lang? You didn't even bother to give me a gift! Nakakatampo!"

Napangisi ako. Hindi ko talaga planong tawagan si Alas pero panay na ang text niya sa akin. Naguilty naman ako kaya kahit gusto kong magrelax ay tinawagan ko na.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon