Chapter 15

22.5K 892 229
                                    

Proposed

Tulala ako sa mangkok ng sopas na nasa aking harapan. Hinahalo-halo ko iyon ng wala sa sarili kahit pa alam ko namang hindi na iyon masyadong mainit.

Hanggang ngayon, hindi pa rin matanggal sa isip ko kung sino iyong babae. I almost didn't sleep last night. Inabot pa ng ilang oras bago ako tuluyang makatulog matapos kong tandaan na tatanungin ko si Tita kung kilala niya ba iyon.

Bumuntong-hininga ako. Sino iyon at bakit siya nasa kuwarto ni Koen? Pilit kong iniisip kung nakalimutan ko bang may kasama na siya pero wala naman siyang nasasabi sa akin. Halos lahat rin ng mga ginagawa niya ay sinasabi niya. Imposible rin na may kasama siya sa kuwarto dahil sariling condo niya iyon! Lalaki siya at babae iyon. Hindi magandang tingnan.

Late na akong nagising kanina. I ate breakfast with Tita Kristina pero dahil sa pagmamadali ay hindi ko na naitanong. Ngayon tuloy ay iniisip-isip ko pa rin. May hinuha na ako ngunit ayoko pa ring isipin na ganoon.

"Sino-sino lang ang pinapapasok mo sa kuwarto mo?" tanong ko bigla kay Alas sa kalagitnaan ng recess.

"Bakit? Gusto mong pumasok?"

"Isa," banta ko.

Humalakhak siya. "Sila Mama, Papa at mga pinsan ko!"

Tama. Baka pinsan ni Koen ang babaeng iyon. Pinsan niyang babae na nasa states rin at bumisita sa kanya kahapon.

"At siyempre, maliban sa mga pamilya ko, yung girlfriend ko. Medyo maarte kase ako e, 'di ba? Ayoko ng may pumapasok na kung sino-sino sa kuwarto ko..." patuloy na wika ni Alas dahilan para matigilan ako.

Girlfriend? Shit.

"Bakit mo ba natanong?"

"W-Wala lang.." sagot ko.

Kinuha ko ang can ng juice sa lamesang nasa aking harapan at sumimsim roon. Nawiwirdohan naman akong pinanood ni Alas na hindi ko na masyadong pinansin.

Walang girlfriend si Koen. Wala naman siyang sinabing may girlfriend siya. Wala naman siyang kinukwento. Pero... Magsasabi naman kaya siya kung mayroon?

Muli akong nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Ganoon ang inisip ko sa maghapon. Hindi ko napakinggan ang lectures ng mga teachers at sinuwerte ako dahil walang nagpa-quiz dahil paniguradong bagsak ako n'on.

Mas magandang isipin na pinsan niya ang babaeng iyon. Hindi ako dapat nag-iisip ng kung ano ano. I saw how people die and got hurt just because of wrong suspicions and accusations. I shouldn't conclude things easily without even knowing the truth. And ofcourse, I won't know the truth kung hindi ko tatanungin si Koen. Kung sino ang babae at bakit siya nasa loob ng condo unit niya. Nasaan siya at bakit iyon ang sumagot ng tawag ko.

Tumawag si Koen kinagabihan. Hindi iyon araw ng pagtawag niya pero dahil hindi ko siya nakausap kahapon ay nabali ang kanyang schedule.

"I'm sorry. Something came up yesterday."

Ngumiti ako kahit gusto kong magtanong. Ano naman ang nangyari kahapon? Umaga iyon sa kanila. Maaga siyang umalis ng unit?

"Ayos lang," I said.

Sinuyod ng aking mata ang itsura niya dahilan para kumunot ang noo ko. Magulo ang buhok niya at nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Kahit pa hindi ko siya kaharap ngayon ay pakiramdam ko pagod na pagod siya sa kung ano. He looks like a mess. Parang wala siyang pahinga.

"May problema ba?" nag-aalalang tanong ko.

He's not like this the last time we talked. And it was Monday! Thursday ngayon.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon