Prove
"Koen.. Napansin ko ang madalas mong pag-uwi rito..."
Kasalukuyan kaming kumakain sa isang maliit na lamesa na may apat na upuan sa balkonahe sa likod ng mansiyon. Nasa harap ko si Tita Kristina habang nasa magkabilang gilid ang magkapatid. Mula sa kinauupuan ay natatanaw ko ang malaki at pa letrang L na swimming pool nila. Sa bandang kanan niyon ay ang kubo na madalas kong pinupuntahan kapag nabuburyo.
My eyes immediately drifted its sight to Koen who's sitting comfortably on his seat. Nagtaas siya ng kilay sa akin, hindi man lang nagulat o nangamba sa sinabi ng kanyang ina.
"Isn't that a good thing, Mom? I visit..." he grinned.
"You visit almost every week!" Tita Kristina hissed, nasa tono niya ang pagprotesta.
Nawala ang multong ngiti sa labi ni Koen. Sumulyap siya sa akin dahilan para mapigil ko ang aking paghinga.
Simula nang umuwi siya noong sumunod na linggo, lagi niya akong sinusundo o hinahatid sa kung saan man ang mga pinupuntahan ko. Kung hindi naman ako umaalis ay sinasamahan niya ako roon sa may kubo o aayain ako sa mga hilig niyang gawin. Iyon ang dahilan kung bakit umayos ang samahan namin. Hindi ko alam kung bakit niya ako napapayag na sumunod sa mga gusto niya.
Maybe because I am so bored here in the mansion.
Sa halos isang taon ko rito, wala akong ibang ginagawa kun'di libangin ang sarili ko ng mag-isa. Ang pinaka pwede kong makausap rito ay ang mga katulong ngunit lahat sila ay abala sa gawain nakaatas sa kanila. Ganoon rin si Nanay. Tita and Tito are always out of the country. Muhiro is busy on their business. Ang alam ko pa ay nagbabalak rin iyon gumawa ng kanyang sariling kumpanya. Meanwhile, Koen is currently on his college life but still has a time to go home.
Alam kong napapansin nga ni Tita Kristina ang madalas niyang pag-uwi ngunit hindi ko kailanman naisip ang opinyon niya tungkol rito.
"What's wrong with that? Hindi niyo gusto ang pagbisita ko, Mom?" Koen's voice suddenly went cold.
Nakita ko ang pagkataranta ni Tita.
"Hindi sa ganoon, Koen. You can visit, but not three times a month. Puwedeng isang beses kada dalawang buwan--"
"Ayaw niyo nga," he said.
"Son, I am actually happy that you kind of visit. Hindi mo ito ginagawa at medyo nakakapagtaka pero masaya ako.. It's just that I am worried that what you are doing might have an affect in your studies. Pabalik-balik rito tuwing weekends. Madalas ay friday pa lang, nandito ka na! Do you cut classes?"
Tahimik akong uminom ng kape kahit naghaharumentado na ang aking isip sa naririnig. Muhiro was silent too but his eyes were on me.
Damn it, I kinda felt guilty!
I gave Koen a quick glance. His jaw clenched a bit. He look so much annoyed.
"I don't, Mom.. Don't worry about my studies. I can handle it."
"Why are you always here, anyway? May girlfriend ka ba rito?" Tita Kristina asked.
Koen groaned.
"You can stay here in your whole summer vacation kung namimiss mo rito.. Hindi ngayong may pasok." Umiling si Tita.
"Let him do what he wants, Mom. Alam niya ang ginagawa niya, hindi na siya bata," sabi ni Muhiro.
It was like a cue that made Tita stop from talking.
Tulala akong umupo sa mahabang sofa sa living room habang nasa mga lapi ang malikot na asong si Swifer. Hindi na natanggal sa aking isip ang mga sinabi ni Tita sa hapag.
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomansaIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...