Chapter 05

25.2K 944 187
                                    


Afraid

It was Saturday in the afternoon, pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Michelle na paakyat. Tumaas kaagad ang kilay niya nang makita ako. Tumigil siya at hinawi ang mahabang buhok kapagkuwan ay humalukipkip.

Bumuntong-hininga ako at nagpatuloy ulit pero siya ay hindi. Sa dalawang araw niyang pananatili rito, hindi niya tinatago ang iritang nararamdaman sa akin na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Pero kapag kasama namin si Tita Kristina at Koen o kung sino mang mga Ladesma na nandito sa mansiyon, mabait siya sa akin. She would always smile at me.

"It's you!" aniya.

Tumigil ako at hinarap siya. Kumunot ang noo ko. Ngumisi siya at mapanuya akong tiningnan.

"I remember you now! Kaya pala pamilyar ka e!"

"Huh?"

"Ikaw 'yong nanilip sa kwarto!"

My eyes widened immediately. Napasinghap ako at napakurap-kurap. Suddenly, the image of them in the room doing it invaded my mind. Pakiramdam ko ay namutla ako!

"Hindi ko alam ang.. s-sinasabi mo."

Pinanlakihan niya ako ng mata. Her angelic face disappeared.

"We're in the middle of fucking ni Koen then I saw you! Naninilip ka sa 'min!"

Mas lalo akong namutla. Nilingon ko ang paligid namin sa takot na baka may makarinig sa kanya. Sa sitwasyon namin, ako pa ang nahihiya sa sinasabi niya! She was loudly saying it without even caring if someone hears it!

Walang tao maliban sa amin pero alam kong may mga makakarinig pa rin sa kanya. Halos maiyak ako sa hiya.

"I am n-not. H-Hindi ako iyon.." natataranta kong sinabi.

"Anong hindi?! It's you! Huwag ka ng magmaang-maangan! How can I forget you? You are the reason kung bakit hindi ako nilabasan!"

Umiling-iling ako ng paulit-ulit. Jesus.

"Oh gosh. Ang bata bata mo pa pero..."

"H-Hindi ko sinasadya.. A-Aksidente ko lang nakita.."

"So it's really you!"

Pumikit ako ng mariin dahil sa sobrang kahihiyan. Ramdam na ramdam ko kung paano nag-init ang aking mukha nang maisip na wala pa talaga siyang sapat na ebidensya pero dahil umamin na ako ay mas napatunayan niya nga iyon. Halos gusto ko ng magpalamon sa tiles na tinatapakan ko.

Tumawa siya ng malakas na para bang may nakakatawa sa ginawa kong pag-amin. Her face seems so pleased.

Tawang-tawa pa rin siya at parang hindi na iyon matatapos kung hindi lang namin nakita ang pagdating ni Muhiro. Umaakyat ito at nang makita ang ginagawang pagtawa ng malakas ni Michelle ay tumigil siya sa harapan namin. Nakitaan ko agad ng pagtataka ang mata niya.

"What are you laughing at, Michelle?"

Michelle chuckled. "Ah! Itong batang si Petibam kasi..."

Halos dumugo na ang ibabang labi sa diin ng pagkakakagat ko nang makaramdam ako ng kaba. Baka banggitin ni Michelle ang nalaman niya. Kapag nagkataon, baka lumayas na ako sa harapan nila dahil sa hiya!

"Masyadong nakakatuwa. Nakakalibang pala kausap," mapanuyang sagot niya.

Kumunot ang noo niya sa aming dalawa ni Michelle. Nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya. Sana ay hindi na siya magtanong pa dahil baka sabihin ni Michelle ang totoo.

"Nagkukwentuhan kami," sabi ko.

"Dito?" tukoy niya sa gitna ng hagdan.

Naglikot tuloy ang mga mata ko. Weird nga naman na dito pa kami nagkukwentuhan!

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon