Realized
Tapik sa aking balikat ang nakapagpagising sa aking lumilipad na diwa. Nilingon ko si Brianna na nakapamaywang sa aking harapan ngunit may pag-aalala sa kanyang tingin.
"Ate.. Tulala ka na naman.." she said in a very sad and worried tone.
"H-Huh?"
Napakurap-kurap ako at nilingon ang paligid. Nasa loob ako ng isang kuwarto sa bahay na nirerentahan nila Nanay na malapit lang sa condo unit ko. Ito ang kuwarto ni Brianna at dito muna ako makiki-tulog pansamantala. Good thing she doesn't really mind. Tuwang-tuwa pa nga siya nang ianunsyo iyon ni Nanay kanina.
"Kung gusto mo ako na lang muna ang mag-aayos nitong mga gamit mo, ate.. Matulog ka na muna.." dagdag niya pa.
Umiling-iling ako. Bago ako dumating ay abala siya sa paggawa ng project niya kanina kaya alam kong nag-ooffer lang siyang tumulong dahil ramdam niyang may kung ano sa akin ngayon. Perhaps, she heard what I have said to Nanay earlier.
"Hindi na.. Ikaw ang matulog dahil kaya ko na 'to," sabi ko.
"Mukhang hindi, ate, e."
Kumunot ang aking noo. "Anong hindi?"
"Wala ka namang ibang ginagawa kun'di ang tumulala. Mas marami pa tuloy akong nagagawa kaysa sa'yo," sabi niya.
Hindi ko malaman kung nang-aasar ba siya o naaawa.
Para hindi na kami magtalo ay hinayaan ko na siyang tumulong. Kaso hindi ko talaga maiwasang tumulala at isipin ang naging desisyon ko. It was a very rush decision and I did not think it thoroughly but I know, it was the right thing to do. I did the right thing..
Umaga ng bagong taon, lumuwas na ako papunta rito sa Laguna. Nagmamadali ako at ang tanging nasa isip ko lang habang nagpapaliwanag kina Tita Kristina at Tito Oliver na tungkol iyon sa trabaho ay ang makaalis agad bago pa man magising si Koen. Kahit pa alam ko namang hindi pa siya magigising dahil nag-inuman sila ni tito kagabi. He is probably still in a deep dream though. But because my decisions is on impulse, I didn't think twice.
I am not even sure if tita and tito had the chance to understand what I was explaining!
Good thing my luggage were already packed the night before new year kaya hindi na ako natagalan pa noong umagang iyon.
Pagkatapos mag-ayos at kumain ay pabagsak akong nahiga sa kama kapagkuwan ay bumuntong-hininga. Ilang segundo pa akong tulala bago dinalaw ng antok. Kinaumagahan naman, tirik na ang araw nang magising ako.
"Tay, Nay, ate, malapit na birthday ko," nakangising sabi ni Brianna.
"Oh eh, ano ngayon?" pang-aasar ni Pipoy.
Sumimangot si Brianna at tinapunan ng tissue si Pipoy. Sapul sa mukha.
"Kasali ka ba? Hindi ka naman kinakausap!" gigil na himutok niya.
"Ano ba naman kayo, Brianna, Pipoy. Ang aga-aga magsisimula na naman kayo sa pag-aaway," saway ni Tatay sa dalawa.
For a fleeting moment, I remember how I was still able to laugh with them genuinely. I remember how I was still making it up to them by joking too. Iyong hindi ako napag-iiwanan. Ngayon, pakiramdam ko sobrang daming nagbago kaya naman nakakaramdam ako ng paninibago. Hindi ko maiwasang malungkot dahil doon. How I wish I can control my feelings. I could have just push away the sadness and replace it with full happiness.
But I have known better. Life isn't all about happiness. The world is so fair that it we always have to feel sadness.
I saw Tatay looked at me while laughing. Pumalit agad ang pag-aalala sa ngiti niya nang makita ang kawalan ng reaksyon ko.
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomansaIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...