Friends"Fasten your seatbelt," si Koen.
Nakasakay na kami sa loob ng sasakyan. Hindi ko pa inaayos ang seatbelt dahil nagugulat pa rin ako. Napalingon ako sa labas at nakitang nakatayo pa rin doon si Alas. Nakatingin siya sa direksyon ko pero dahil tinted ang SUV ay alam kong hindi niya ako nakikita.
Bumuntong-hininga ako at inayos na ang seatbelt. Napansin ko ang pagsunod ng tingin ni Koen sa ginagawa ko bago niya pinausad ang SUV palabas ng eskwelahan.
"Hindi mo na dapat ako sinundo," matamang sinabi ko.
Lumingon siya sa akin ng nakakunot ang noo. He looked so unpleased on what I just said.
"I told you, I'll fetch you. Don't you remember that?"
"Akala ko noong monday.." bulong-bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"I still have classes.."
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko sadyang marinig niya ang bulong ko at ngayon ay nahiya ako bigla sa sinabi niya. Alam ko naman iyon. Infact, iyon na nga ang inisip ko. Huminga ako ng malalim at napakurap-kurap. Napakadaldal mo naman yata, Petibam?
"Did you wait?"
"H-Hindi!" sabi ko sabay baling sa kanya.
Tumaas ang kilay niya, tila hindi naniniwala sa sinabi ko. Lalo na nang makita ko ang pagngisi niya.
"I'm sorry if you waited.."
"Hindi nga sabi! Bakit naman kita hihintayin?"
He licked his lips. Sumulyap siya sa akin pero hindi na nagsalita kaya bumalik ulit ako sa pagtingin sa labas ng bintana.
Ilang minuto kaming tahimik at unti-unti ko na naman naramdaman ang pagkailang. Malayo ang eskwelahan ko sa mansiyon. Ang maisip na ganito kami katahimik hanggang makauwi, nakakaloka. Pinilit kong mag-isip ng topic pero hindi ko alam ang mga bagay na gusto niya. Isa pa, hindi rin ako masyadong magaling makipag-usap. Tingin ko, kapag pinatay niya ang topic namin, hindi na ulit ako makakapagsalita.
Umayos ako ng upo at humarap kay Koen. His eyes focused on the road as he maneuvered the car. Aaminin ko, guwapo nga ang bunsong anak ng mga Ladesma. Kaya hindi na kataka-taka ang tinginan ng mga kababaihan kapag nariyan siya. Para siyang model sa billboard kanina at ngayong nagmamaneho, parang mas lalong nadepina ang pagiging attractive niya.
Pero parang may mali..
"Galing ka pang Maynila?" I asked.
"Yeah.. Wala kaming pasok ngayon. Dumiretso na ako papunta sa eskwelahan mo.."
My eyes widened in surprise. Dumiretso siya? Mula saan? Maynila? Nag-eroplano ba siya o nagsasakyan? Ibig sabihin pagod siya! Napaawang ang labi ko at napatitig sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit parang may mali! He doesn't look cheerful like the other days!
"D-Dapat umuwi ka muna!"
"Pauwi na nga," he said and grinned. "Gusto mo ba kumain muna tayo bago umuwi?"
Umiling ako. Gutom na ako pero sa lugar na dinadaanan namin ngayon, wala ng masyadong kainan.
"Pero kapag si Kuya, pumapayag ka. You like him that much, huh?" he said in a sarcastic tone.
"H-Hindi.. Nadaanan na kasi natin yung lugar na may kainan. Babalik pa kung kakain tayo bago umuwi... Kaya sa bahay nalang," paliwanag ko.
His lips pursed.
"Kuya nga ang turing ko kay Muhiro.. Kung inggit ka sa kanya, edi kuya na rin kita," I smiled genuinely.
"I don't wanna be your Kuya."
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
רומנטיקהIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...