Talk
"Petianna.."
Muntik na akong mapaigtad sa gulat. Nagsalita si tita sa likuran ko habang nakasilip ako sa bintana naman ngayon at tinatanaw ang nagpapaligo na ng sasakyang si Koen sa labas ng mansiyon. Wala na si Krycelle. Pagkatapos niyang mabasa ay pumasok na siya sa loob ng mansiyon, siguro ay nagpalit ng damit.
Mabilis akong humarap kay tita. She saw my surprise. Tumikhim ako at umayos ng tayo.
"I-Ikaw pala, tita.."
"I'm sorry, did I scare you? Ano ba kasing ginagawa mo riyan?"
Tita craned her neck to see what I am staring at. Hinarangan ko ang malaking bintana habang umiiling-iling. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.
"W-Wala po! May iniisip lang po."
Halatang hindi kumbinsido si Tita sa dahilan ko ngunit nakahinga ako ng maluwag nang pinalampas niya iyon sa pagtango niya.
"Samahan mo akong magluto ng french fries, hija," she said.
Mabilis akong tumango at sumunod sa kanya. Ngunit lumingon pa akong muli sa bintana kahit hindi ko matatanaw si Koen bago kami bumaba sa hagdan.
Dumiretso kami patungo sa kusina. Can you believe it? Sobrang laki ng mansiyon nila at.. What? Lima lang kaming nandito ngayon! Kami-kami lang din muna ang nag-aasikaso ng lahat. No maids. Kaya naman sa sobrang tahimik ay parang nag-eecho ang bawat pagtapak ng mataas na takong ni Tita Kristina sa kumikintab na sahig.
"Can I ask you something?" usal ni Tita sa kalagitnaan niya ng pagluluto.
I was the one who peeled off the potatoes. Isa ito sa mga napapansin kong ugali ni Tita Kristina. She likes fresh potatoes in making fries instead sa mga nabibiling manufactured na. Tumigil ako sa pagslice at dinagundong ng kaba ang dibdib ko kahit marahan ang pagkakatanong niya.
"S-Sure, tita.."
"Amadeo Pervino is your friend since you were highschool, right? Siya iyong madalas na pumupunta noon dito at nagbibigay ng mga regalo sa iyo, if I am not mistaken.."
Nakahinga ako ng maluwag. "Opo. Siya nga po."
I don't know why she's asking about him pero tingin ko mas maayos na ang ganito pala ang tanong niya kaysa sa iniisip ko. I shouldn't be paranoid. Kahit pa nagtataka ako. Noon naman ay hindi si tita nagtatanong. Well, busy naman siya noon kaya siguro ngayon niya lang naitanong.
"You're really close to him?" aniya habang naglalagay muli ng isang batch ng fries.
I nodded. "Siya lang po ang pinakamalapit na kaibigan ko."
"Why? Bakit siya lang?" kunot ang noong untag ni tita. "How about girl friends? I noticed you don't bring one here."
Ngumiwi ako. "Kontento na po ako kay Alas..."
Hindi nagkomento si tita roon. Pinanood ko ang maingat na paglalagay niya ng isang batch pa ng fries. Mayaman na mayaman talaga ang galaw ni tita. Isa sa mga ikinamamangha ko sa kanya.
"Ayaw mo ba ng mga kaibigan na babae?" maya maya'y tanong niya ulit.
"Hindi naman po sa ayaw. I just don't know how to be friends with them since nasanay po akong si Alas lang ang kaibigan ko."
"But you know.. Mas maganda rin na may iba ka pang kaibigan bukod sa.. kanya. Especially, if it's girls.."
Tama naman si tita pero hindi ako nagsalita. I never really tried to be friends with other classmates. I mean, iyong close talaga gaya ng pagiging close ko kay Alas. Hindi ko naman kasi kailangan ng maraming kaibigan. At nariyan naman na si Alas kaya ano pa ang role ng iba? I only need one true friend that stays and accept me for who I am. Sa tagal ng panahon, natuklasan kong si Alas iyon.
BINABASA MO ANG
Captured by Affection (Lubēre Series #1)
RomanceIsa lamang ang natitiyak ni Petianna Bami Velasco nang tumira siya sa Mansiyon ng mga Ladesma. Wala siyang ibang gagawin kundi ang mag-aral nang mabuti at maging mabait na bata nang sa ganoon ay makabawi siya sa kabaitan ipinagkaloob sa kanya at sa...