Chapter 35

24K 794 106
                                    

I'm okay..

Wala akong ibang maisip pagpasok ko sa mansiyon kung hindi ang mga sinabi ni Krycelle. Iniisip ko kung nagsisinungaling ba siya o ano. Kasi bakit naman ako ikukuwento ni Koen? Maiintindihan ko pa kung isa o dalawang beses lang pero base sa sabi ni Krycelle ay paulit-ulit! That's unbelievable! Ako? Ikukuwento niya ng paulit-ulit sa iba? Hindi lang sa mga kaibigan niya. Worst thing is kay Krycelle pa! Sa girlfriend niya!

But why would Krycelle lie to me, then? She looked so serious while she talked earlier kahit pa nangingiti at mukhang natatawa. Para bang inaalala niya nga ang mga panahong sinasabi niya.

If she's saying the truth, then Koen is crazy! Mabuti na lamang at iba ang inisip ni Krycelle!

I bit my lips and shook my head as I gathered all the things that I need. Tulala akong nagtimpla ng juice kaya naman nang may gumapang na kamay payakap sa akin ay halos mapatalon ako.

Koen chuckled behind me. "Chill, baby. It's me.."

Binitawan ko ang pitsel at tinapik ang kamay niya para tanggalin niya ngunit hindi niya ginawa.

"Koen, b-baka may makakita.."

"So?"

Namilog ang mga mata ko. So? Anong so? Okay lang ba siya? Paano kung pumasok sina tita rito? Or si Krycelle?

Sa takot, mabilis at pilit kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko. He groaned. Akala ko ay hindi na siya magpoprotesta ngunit natulos ako sa kinatatayuan nang binalik niya ang yakap niya sa akin. Binaon niya pa ang ulo niya sa leeg ko!

"Just a minute, okay?" he murmured before I could say anything.

Halos kilabutan ako nang maramdaman ko ang pagtama ng hininga niya sa leeg ko. Flushed, I closed my eyes tightly and I gulped so hard.

"Baka pumasok sila-"

"They won't.." he said.

"Sina tita-"

"They're in their room. Hindi sila bababa rito.." he said in a firm voice.

"Pano ka naman nakakasiguro? Baka mauhaw sila at..."

"May refrigerator sa kanilang kuwarto, Petianna. Stop worrying. So what if they'll see us?"

Dumilat ako at suminghap. Kung kaharap ko lang siya ay malamang nakikita niya na ang takot at sakit sa mga mata ko. How can he still manage to be this calm? Ang isip at puso ko ay nagha-harumentado na.

"Now tell me.. Bakit ka tulala kanina? What are you two really talking about?" tanong niya.

"W-Wala 'yon," iling ko nang maalala ang sinabi ni Krycelle kanina.

"I am not going to believe that. You look shock and confused while looking at me. Tungkol ba sa akin 'yon? Did she say something?"

Tinikom ko ang aking bibig kahit kating-kati na akong magtanong. Pinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat. While his hands around stomach tightened like it would squeeze the truth out from my mouth. Napakagat tuloy ako ng labi.

"Baby, come on.."

Umiling ulit ako. "Wala nga.. She's just.. Telling some of her experience.."

"In what?"

Uminit ang pisngi ko nang may maisip na iba. Oh god, Petianna!

Umiling-iling ako at humarap na sa kanya. Napilitan siyang umatras ng konti para magbigay ng espasyo sa pagitan naming dalawa. But still, sobrang lapit pa rin namin.

Captured by Affection (Lubēre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon